2010
Gumawa ang Simbahan ng mga Pagbabago sa Mission
Hulyo 2010


Gumawa ang Simbahan ng mga Pagbabago sa Mission

Upang mas maitugma ang mga mapagkukunan sa pabagu-bagong pangangailangan, ang Simbahan ay lumikha ng 10 bagong mission at isinama ang iba sa kalapit na mga mission. Ang kinalabasang bilang ng mga mission ay 340.

Nilikha ng Simbahan ang sumusunod na mga mission:

Democratic Republic of Congo Lubumbashi, Guatemala Retalhuleu, Mexico Mexico City Northwest, Mexico Villahermosa, New Mexico Farmington, Nicaragua Managua North (ang Nicaragua Managua Mission ay tatawaging Nicaragua Managua South Mission), Peru Cusco, Peru Lima West, Philippines Iloilo, at Utah St. George.

Pinagsama ng Simbahan ang sumusunod na mga mission:

Ang Australia Melbourne East at West Missions ay magiging Australia Melbourne Mission.

Ang Australia Sydney North at South Mission ay magiging Australia Sydney Mission.

Ang Puerto Rico San Juan East at West Missions ay magiging Puerto Rico San Juan Mission, na isinama ang ilang bahagi ng east mission sa Dominican Republic Santo Domingo East at West Indies Mission.

Ang Germany Hamburg Mission ay magiging bahagi ng Germany Berlin Mission.

Ang Germany Munich/Austria, Switzerland Zürich Mission, at ilang bahagi ng Germany Frankfurt Mission ay magiging Alpine German-Speaking Mission.

Ang Illinois Chicago North at South Mission ay magiging Illinois Chicago Mission.

Ang Illinois Peoria Mission ay bubuuin mula sa pinagsama-samang Iowa Des Moines Mission, Missouri St. Louis Mission, at Nebraska Omaha Mission.

Ang Ireland Dublin at Scotland Edinburgh Missions ay magiging Scotland/Ireland Mission.

Ang Italy Catania Mission ay bubuuin mula sa pinagsamang Italy Rome Mission at Italy Milan Mission.

Ang Japan Fukuoka Mission at Japan Kobe Mission ay pagsasamahin at magiging Japan Hiroshima Mission

Ang Korea Seoul West Mission ay magiging bahagi ng Korea Seoul Mission.

Ang New Jersey Cherry Hill Mission ay bubuuin mula sa pinagsamang New Jersey Morristown Mission at Pennsylvania Philadelphia Mission.

Ang Ohio Cincinnati Mission ay magmumula sa pinagsamang Ohio Columbus Mission at West Virginia Charleston Mission.

Ang Spain Bilbao Mission ay bubuuin mula sa pinagsama-samang Spain Barcelona Mission, Spain Madrid Mission, at Spain Málaga Mission.