2010
Maiikling Balita sa Buong Mundo
Hulyo 2010


Maiikling Balita sa Buong Mundo

Isasailalalim sa Renobasyon ang Ogden Temple

Ang halos 40-taong-gulang na Ogden Utah Temple ay isasailalim sa isang malawakang renobasyon na magtatagal nang 18 hanggang 24 na buwan. Ang pinakadisenyo ng loob ng templo ay mananatili pa rin, ngunit ang labas nito ay magpapakita ng bagong disenyo, na may bagong bato at salamin. Ang gusali ay ididisenyong muli para makatugon sa paglindol, gagamitan ng pinakabagong teknolohiya, at sasamahan ng mga kasangkapang mas matipid sa enerhiya. Idaragdag din ang paradahan ng sasakyan sa ilalim nito.

Nilikha ang Honor Bee Charm

Kaugnay ng ilang pagbabago sa programang Pansariling Pag-unlad, makakakuha na ng Honor Bee Charm ang mga kabataang babae na nakatapos nang lampas sa karaniwang mga kinakailangan. Upang matanggap ang charm, babasahing muli ng isang kabataang babae ang Aklat ni Mormon at kukumpleto ng karagdagang 40 oras na paglilingkod matapos matanggap ang kanyang medalyon ng Pagkilala sa Pagdadalaga. Ang bahagi ng paglilingkod na ito ay dapat kapalooban ng pagtulong sa isa pang kabataang babae na makumpleto ang kanyang mga mithiin sa Pansariling Pag-unlad. Ang gawad na ito ay isang maliit na charm na isusuot sa parehong kuwintas ng medalyon.

Itinampok ng Eksibit ang mga Banal sa Latin America

Kamakailan ang Church History Museum ay nagbukas ng bagong bilingual exhibit na tinawag na “Mi Vida, Mi Historia: Stories of Faith and Inspiration from Latin American Saints,” na nagtatampok sa mga karanasang espirituwal mula sa buhay ng 24 na miyembro. Ang kanilang mga larawan ay nakasabit sa buong eksibit, at ang interactive audiovisual na mga kiosko (booth) ay nagtutulot sa mga bisita na malaman pa ang tungkol sa buhay ng mga kalahok. Ang eksibit ay makikita online sa Espanyol at Ingles sa lds.org/museum. Magklik sa Exhibits and Galleries, pagkatapos sa Current Exhibits.