2010
Komentaryo
Hulyo 2010


Komentaryo

Ipinakita Nila ang Pagmamahal ng Tagapagligtas

Habang pinag-aaralan ang Mensahe ng Unang Panguluhan, napansin namin ang mga ideya tungkol sa paraan ng pag-aangkop ng mga turo sa maliliit na bata at mga tinedyer. Makatutulong ito sa aming pamilya gayundin sa mga pamilyang aming binibisita. Alam namin ang inyong pangakong gawing simple ang mga katotohanan ng ebanghelyo, angkop sa bawat isa, at nagtatagal sa puso. Si Pangulong Monson ay propeta ng Diyos, at ipinapakita ng mga nasa Unang Panguluhan ang pagmamahal ng Tagapagligtas kapag tinuturuan at ipinagdarasal nila tayo. Mahal din natin sila at ipinagdarasal sila.

Pamilya Dias, Brazil

Napakahalagang mga Poster

Ang mga poster sa magasin ay napakahalaga sa aming pamilya. Nagpapahayag ang mga ito ng maiksi, malinaw, at nakikitang mensahe ng mga turo ng Simbahan. Nagsabit kami ng kuwadro malapit sa aming pinto sa harap, at kada linggo pinapalitan namin ang poster. Tumutulong ito sa aming lahat na sundin ang mga utos. Na-i-print na namin ang bawat poster na makukuha sa Internet mula pa noong 2001—tunay na nakatulong ito sa amin. Salamat!

Pamilya Schwarzwälder, Germany