2022
Paano Isinisimbolo ng Paskua ang Pagbabayad-sala ni Cristo?
Abril 2022


“Paano Isinisimbolo ng Paskua ang Pagbabayad-sala ni Cristo?,” Liahona, Abr. 2022.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Exodo 12

Paano Isinisimbolo ng Paskua ang Pagbabayad-sala ni Cristo?

Larawan
isang pamilya ng mga Israelita na kumakain ng pagkain sa Paskua

The Passover Supper [Ang Hapunan sa Paskua], ni Brian Call

Ginugunita sa Kapistahan ng Paskua ang pagliligtas sa mga Israelita mula sa Ehipto (tingnan sa Exodo 12:27). Sa pamamagitan ng mga simbolo, maaaring ituro sa atin ngayon ng Paskua na tulad noong iligtas ng Panginoon ang mga Israelita mula sa pagkaalipin sa Ehipto, maaari din Niya tayong iligtas mula sa pagkaalipin sa kasalanan.

Mga Simbolong Isasaalang-alang

Kordero ng Paskua

Isang lalaking kordero na walang kapintasan ang pinatay at kinain sa piging. Inialay ng Diyos ang Kanyang Bugtong na Anak, bilang “korderong walang kapintasan” (1 Pedro 1:19), upang maghatid ng kaligtasan sa Kanyang mga anak.

Mapapait na Gulay

Kumain ng mapapait na gulay sa Paskua ang mga Israelita para maalala nila ang pait ng kanilang pagkaalipin sa Ehipto (tingnan sa Exodo 12:8). Sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala, ininom ng Tagapagligtas ang “mapait na saro” (3 Nephi 11:11) para matulungan Niya tayong madaig ang pagkaalipin sa kasalanan.

Dugo sa mga Haligi ng Pintuan

Ang mga Israelitang naglagay ng dugo ng kordero sa mga haligi ng kanilang pintuan ay naligtas mula sa pisikal na kamatayan nang dumating ang huling salot (tingnan sa Exodo 12:13). Paano isinasagisag ng dugo ng kordero ang Pagbabayad-sala ni Cristo? Paano tayo tinutulungan ng Tagapagligtas na madaig kapwa ang pisikal at espirituwal na kamatayan? 

Ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa

Inutusan ng Panginoon ang mga Israelita na kumain ng tinapay na walang pampaalsa para maalaala ang Paskua (tingnan sa Exodo 12:15). Sa Huling Hapunan, kumain si Jesus ng tinapay na walang pampaalsa at inanyayahan ang Kanyang mga apostol na “[kumain] … sa pag-aalaala sa [Kanya]” (1 Corinto 11:24). Paano ipinapaalala sa inyo ng sakramento ang Tagapagligtas?

Larawan
artikulo tungkol sa Paskua at Pagbabayad-sala ni Cristo