2022
David at Goliat: Pananampalataya kaysa Takot
Hunyo 2022


“David at Goliat: Pananampalataya Kaysa Takot,” Liahona, Hunyo 2022.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

1 Samuel 17

David at Goliat: Pananampalataya kaysa Takot

Larawan
David at Goliat

Mga larawang-guhit ni Andrew Beck / Marlena Agency

David

  • Isang tinedyer na pastol

  • Taas: Hindi tinutukoy ng Biblia ang taas o edad ni David, pero alam natin na siya ay bata pa noon.

  • Mga Sandata: Isang tirador at limang makikinis na bato

Goliat

  • Isang mandirigmang Filisteo

  • Taas: Mahigit 9 na talampakan ang taas (3 m)

  • Mga Sandata: Sibat, baluti na may bigat na 150 pounds (67.5 kg), espada

  • Kinutya at hinamon ni Goliat ang mga Israelita sa loob ng 40 araw.

Tanging si David, isang batang pastol, ang may lakas-ng-loob o tapang na tumindig at makipaglaban kay Goliat. Sinabihan siya ni Haring Saul na huwag nang pumunta pero pumunta pa rin siya dahil alam niyang nasa panig niya ang Diyos, at nanampalataya siya sa Kanya.

Hinamak ni Goliat si David at ang buong Israel sa pagpapadala ng isang bata para lumaban. Pero ipinakita ng sagot ni David ang kanyang pananampalataya: “Lumalapit ka sa akin na may tabak, may maliit at malaking sibat, ngunit ako’y lumalapit sa iyo sa pangalan ng Panginoon ng mga hukbo, ang Diyos ng mga hukbo ng Israel na iyong hinahamon” (1 Samuel 17:45).

Gamit ang tirador at isang bato, pinatumba ni David si Goliat at pinatay siya, kaya tumakas ang mga Filisteo mula sa mga Israelita.