Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 24: Nakilala ni Ammon ang Ama ni Haring Lamoni


Kabanata 24

Nakilala ni Ammon ang Ama ni Haring Lamoni

Larawan
Lamoni talking with Ammon

Ninais ni Haring Lamoni na makilala ni Ammon ang kanyang ama. Binalaan ng Panginoon na huwag sumama si Ammon dahil tatangkain ng ama ni Lamoni na patayin siya.

Larawan
Ammon and Lamoni

Sinabi ng Panginoon kay Ammon na pumunta sa halip sa lupain ng Midoni, kung saan ang kanyang kapatid na si Aaron ay nakabilanggo. Sumama si Haring Lamoni kay Ammon.

Larawan
Ammon and Lamoni with Lamoni’s father

Habang naglalakbay sila, nakasalubong nila ang ama ni Haring Lamoni, na hari sa buong lupain. Tinanong niya si Lamoni kung saan siya papunta kasama ng isang sinungaling na Nephita.

Larawan
Lamoni, Ammon, and Lamoni’s father

Sinabi ni Haring Lamoni sa kanyang ama ang tungkol kay Ammon at sa kanyang kapatid na lalaki na nasa bilangguan. Nagalit, ipinag-utos ng ama ni Lamoni kay Lamoni na patayin si Ammon at huwag pumunta sa Midoni.

Larawan
Lamoni’s father trying to kill Lamoni

Tumanggi si Lamoni na patayin si Ammon at nagsabi na siya at si Ammon ay paroroon upang palayain si Aaron. Lalong nagalit ang ama ni Lamoni at hinugot ang kanyang espada upang patayin si Lamoni.

Larawan
Ammon wounding Lamoni’s father

Humakbang pasulong si Ammon upang ipagsanggalang si Lamoni. Tinangka ng ama ni Lamoni na patayin si Ammon, ngunit ipinagtanggol niya ang sarili at nasugatan ang bisig ng ama ni Lamoni.

Larawan
Ammon and Lamoni’s father

Nang makita ng ama ni Lamoni na maaari siyang patayin ni Ammon, inialok niya kay Ammon ang kalahati ng kanyang kaharian kung hindi siya papatayin.

Larawan
Ammon speaking to Lamoni’s father

Sinabi ni Ammon na nais niyang mapalaya mula sa bilangguan si Aaron at ang kanyang mga kasama at nais na hindi mawala kay Lamoni ang kanyang kaharian.

Larawan
Ammon fixing king’s wound

Napagtanto ng ama ni Lamoni na hindi nais ni Ammon na saktan siya. Namangha siya kung gaano kamahal ni Ammon ang kanyang anak. Inanyayahan niya si Ammon na turuan siya ng ebanghelyo.

Larawan
King Lamoni talking with king of Middoni

Pumunta sina Ammon at Haring Lamoni sa Midoni. Kinausap ni Lamoni ang hari doon, at pinalaya mula sa bilangguan si Aaron at ang kanyang mga kasama.

Larawan
Aaron and companions being released

Nalungkot si Ammon nang kanyang makita kung gaano kasama ang ginawang pagtrato sa kanila. Ngunit lubha man silang naghirap naging matiyaga pa rin sila.