Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 50: Nilisan ng mga Jaredita ang Babel


Kabanata 50

Nilisan ng mga Jaredita ang Babel

Larawan
Jared and his brother talking

Si Jared at ang kanyang kapatid na lalaki ay mabubuting mga tao na nakatira sa isang lungsod na tinatawag na Babel. Nabuhay sila ng daan-daang taon bago ang mga Nephita.

Larawan
wicked people in Babel

Masasama ang karamihan sa mga tao sa Babel. Nagtayo sila ng tore upang tangkain na makarating sa langit. Nagalit ang Panginoon at ginulo ang kanilang wika.

Larawan
Jared talking to his brother

Hiniling ni Jared sa kanyang kapatid na manalangin at hilingin sa Panginoon na huwag lituhin ang salita ng kanilang mga mag-anak at mga kaibigan.

Larawan
brother of Jared praying

Nanalangin ang kapatid ni Jared, at tinugon ng Panginoon ang kanyang panalangin. Nauunawaan pa rin ni Jared, ng kanyang kapatid, at kanilang mga mag-anak at kaibigan ang isa’t isa.

Larawan
Jared and family leaving

Sinabi ng Panginoon sa kapatid ni Jared na tipunin ang kanyang mag-anak at mga kaibigan at lisanin ang lupain. Dinala nila ang kanilang mga hayop at lahat ng uri ng binhi.

Larawan
Jeredites traveling

Sinabi ng Panginoon na gagabayan niya ang mga Jaredita patungo sa lupang pangako.

Larawan
Jaredites

Nanghuli ang mga Jaredita ng mga ibon at mga isda upang madala nila.

Larawan
honeybees

Nagdala sila ng mga kuyog ng bubuyog.

Larawan
Jaredites traveling

Naglakbay ang mga Jaredita patungo sa ilang. Nagsalita sa kanila ang Panginoon mula sa isang ulap at sinabi sa kanila kung aling daan ang kanilang babagtasin.

Larawan
Jaredites

Sinabi ng Panginoon na ang mga taong nakatira sa lupang pangako ay dapat na maglingkod sa Diyos o malilipol sila.

Larawan
Jaredites camping by seashore

Nang makarating ang mga Jaredita sa baybaying dagat, itinayo nila ang kanilang mga tolda. Nanatili sila sa tabi ng dagat sa loob ng apat na taon.