Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 39: Tumanggap si Nephi ng Dakilang Kapangyarihan


Kabanata 39

Tumanggap si Nephi ng Dakilang Kapangyarihan

Larawan
Nephi thinking

Naglakad si Nephi pauwi sa kanyang tahanan, na iniisip ang tungkol sa ipinakita sa kanya ng Panginoon at tungkol sa kasamaan ng mga Nephita. Malungkot siya dahil sa kanilang kasamaan.

Larawan
Nephi praying

Nagsalita ang Panginoon kay Nephi at pinuri siya sa pagiging masunurin at pagsusumikap na maituro ang ebanghelyo.

Larawan
Nephi

Binigyan si Nephi ng kapangyarihan na magawa ang anumang bagay. Alam ng Panginoon na gagamitin niya nang mabuti ang kapangyarihang ito.

Larawan
Nephi walking

Sinabi ng Panginoon kay Nephi na bigyang-babala ang mga Nephita na kapag hindi sila nagsisi, sila ay lilipulin. Kaagad na nagbigay-babala si Nephi sa mga tao.

Larawan
Nephites attacking Nephi

Hindi naniwala kay Nephi ang mga Nephita. Tinangka nilang itapon siya sa bilangguan, ngunit pinangalagaan siya ng kapangyarihan ng Diyos.

Larawan
Nephi walking away

Ipinahayag ni Nephi ang salita ng Diyos sa lahat ng Nephita.

Larawan
people fighting

Ngunit lalong naging masama ang mga tao at nagsimulang makipag-away sa isa’t isa.

Larawan
Nephi praying

Nanalangin si Nephi upang magkaroon ng taggutom, umaasang ang kakulangan sa pagkain ay mag-uudyok na magpakumbaba ang mga Nephita at makatutulong sa kanila na magsisi.

Larawan
men on dry land

Dumating ang taggutom. Walang ulan, kung kaya’t natuyo ang lupa at hindi mabuhay ang mga pananim. Tumigil sa pakikipag-away ang mga tao.

Larawan
family praying

Nagutom ang mga Nephita, at marami sa kanila ang namatay. Ang mga nabuhay ay nagsimulang maalala ang Panginoon at ang itinuro sa kanila ni Nephi.

Larawan
people talking to judges

Nagsisi ang mga tao sa kanilang mga kasalanan at pagkatapos ay nagmakaawa sa mga hukom na hilingin kay Nephi na wakasan na ang taggutom. Pumunta ang mga hukom kay Nephi.

Larawan
Nephi praying

Nang makita ni Nephi na naging mapagpakumbaba at nagsisi ang mga tao, hiniling niya sa Panginoon na wakasan ang taggutom.

Larawan
people in rain

Tinugon ng Panginoon ang panalangin ni Nephi, at nagsimulang umulan. Hindi nagtagal, muling nagsitubo ang mga pananim. Pinapurihan ng mga tao ang Diyos at nalaman na si Nephi ay isang dakilang propeta.

Larawan
Nephites working

Karamihan sa mga Nephita ay sumapi sa Simbahan. Yumaman sila, at lumaki ang kanilang mga lungsod. Nagkaroon ng kapayapaan sa lupain.

Larawan
Lamanites attacking Nephites

Di naglaon, ang ilan sa mga Nephita na sumama sa mga Lamanita noong una ay lumusob sa mga Nephita.

Larawan
warriors

Tinangka ng mga Nephita na madaig ang kanilang mga kaaway, na naging mga tulisan ni Gadianton, ngunit hindi nila magawa dahil sila mismo ay muling naging masama.

Larawan
Nephites carrying baskets

Kapag mabubuti ang mga Nephita, binibiyayaan sila ng Panginoon. Kapag sila ay palalo at nakakalimot sa Panginoon, binibigyan niya sila ng mga suliranin upang matulungan sila na maalala siya.