Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 49: Si Mormon at ang Kanyang mga Turo


Kabanata 49

Si Mormon at ang Kanyang mga Turo

Larawan
two groups of men

Maraming taon ang lumipas pagkatapos ng pagdalaw ni Jesucristo sa mga Nephita, isang maliit na pangkat ng mga tao ang umalis sa Simbahan at tinawag ang kanilang sarili na mga Lamanita.

Larawan
group talking

Nang magtagal, naging masama ang halos lahat ng tao, kapwa ang mga Nephita at mga Lamanita.

Larawan
Ammaron hiding records

Isang mabuting lalaki, si Amaron, ang may hawak sa mga banal na talaan. Sinabi sa kanya ng Espiritu Santo na itago ang mga ito upang maging ligtas.

Larawan
Ammaron talking to young Mormon

Sinabi ni Amaron kay Mormon, isang 10 taong gulang na batang lalaki, kung saan nakatago ang mga talaan. Alam ni Amaron na mapagkakatiwalaan niya si Mormon.

Larawan
Ammaron and Mormon

Kapag siya ay 24 na taong gulang na, kukunin na ni Mormon ang mga lamina ni Nephi at isusulat dito ang tungkol sa kanyang mga tao.

Larawan
Nephites and Lamanites battling

Noong 11 taong gulang na si Mormon, isang digmaan ang nagsimula sa pagitan ng mga Nephita at Lamanita. Naging matagumpay ang mga Nephita at muling nagkaroon ng kapayapaan.

Larawan
people drinking

Ngunit napakasama ng mga Nephita kung kaya’t kinuha ng Panginoon ang tatlong disipulo, na nagpatigil sa mga himala at pagpapagaling. Hindi na ginabayan ng Espiritu Santo ang mga tao.

Larawan
Mormon

Noong si Mormon ay 15 taong gulang, dinalaw siya ni Jesucristo. Higit pang natuto si Mormon tungkol sa Tagapagligtas at sa kanyang kabutihan.

Larawan
Mormon watching two men

Nais ni Mormon na mangaral sa mga tao, ngunit sinabi sa kanya ni Jesus na huwag gagawin ito dahil napakasama ng mga tao. Ang kanilang mga puso ay naghihimagsik laban sa Diyos.

Larawan
Mormon as military leader

Hindi nagtagal at isa pang digmaan ang nagsimula. Si Mormon ay malaki at malakas, at pinili siya ng mga Nephita na pamunuan ang kanilang hukbo.

Larawan
Mormon talking to army

Nakipaglaban ang mga Nephita sa mga Lamanita sa loob ng maraming taon. Sinikap ni Mormon na hikayatin ang kanyang mga tao na ipaglaban ang kanilang mga mag-anak at tahanan.

Larawan
battle

Naging napakasama ng mga Nephita, gayunman, kung kaya’t ayaw silang tulungan ng Panginoon.

Larawan
Mormon talking with men

Sinabi ni Mormon sa mga Nephita na maliligtas lamang sila kung sila ay magsisisi at mabibinyagan. Ngunit tumanggi ang mga tao.

Larawan
Mormon watching army

Ipinagyabang nila ang kanilang sariling lakas, sinasabing papatayin nila ang lahat ng Lamanita. Dahil sa kasamaan ng mga Nephita, tumanggi si Mormon na pamunuan pa sila.

Larawan
Mormon standing with army

Nagsimulang madaig ng mga Lamanita ang mga Nephita sa bawat labanan. Ipinasiya ni Mormon na muling pamunuan ang mga hukbo ng Nephita.

Larawan
Mormon sitting

Alam niyang hindi mananalo sa digmaan ang masasamang Nephita. Hindi sila nagsisi o nanalangin para sa tulong na kanilang kailangan.

Larawan
Mormon uncovering records

Kinuha ni Mormon ang lahat ng talaan mula sa burol kung saan ang mga ito ay itinago ni Amaron at sumulat sa mga tao na makababasa sa mga tala pagdating ng araw.

Larawan
Mormon with sacred records

Nais niya na bawat isa, kabilang ang mga Judio, ay makilala si Jesucristo, magsisi at mabinyagan, at ipamuhay ang ebanghelyo at mabiyayaan.

Larawan
Mormon writing on sacred plates

Binigyang-inspirasyon ng Espiritu si Mormon na pagsamahin ang maliliit na lamina ni Nephi, na naglalaman ng mga propesiya ng pagdating ni Cristo, sa mga lamina ni Mormon.

Larawan
Mormon’s army

Pinamunuan ni Mormon ang mga Nephita sa lupain ng Cumorah, kung saan sila naghanda na muling makipaglaban sa mga Lamanita.

Larawan
Mormon holding plates

Tumatanda na si Mormon. Alam niya na ito na ang kanyang huling pakikipaglaban. Hindi niya nais na matagpuan ng mga Lamanita ang banal na mga talaan at sirain ang mga ito.

Larawan
Mormon giving plates to Moroni

Kung kaya’t ibinigay niya ang mga lamina ni Mormon sa kanyang anak na lalaki, si Moroni, at itinago ang iba pang mga lamina sa Burol ng Cumorah.

Larawan
Nephites dying

Nilusob at napatay ng mga Lamanita ang lahat, maliban sa 24 na Nephita. Nasugatan si Mormon.

Larawan
wounded Mormon

Nalungkot si Mormon na napakaraming Nephita ang namatay, ngunit alam niyang namatay sila dahil tinanggihan nila si Jesus.

Larawan
Jesus Christ

Sinikap ni Mormon na ituro ang katotohanan sa mga Nephita. Sinabi niya kung gaano kahalaga na magkaroon sila ng pananampalataya kay Jesucristo.

Larawan
Mormon teaching

Sinikap niya na ituro sa kanila na magkaroon ng pag-asa sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo at magkaroon ng pag-ibig sa kapwa-tao, na siyang dalisay na pag-ibig ni Cristo.

Larawan
Mormon writing letters

At sumulat si Mormon ng mga liham sa kanyang anak na si Moroni, na nagturo din ng ebanghelyo sa mga Nephita.

Larawan
Moroni reading letter

Isinulat ni Mormon ang tungkol sa kakila-kilabot na kasamaan ng mga Nephita. Sinabi niya kay Moroni na manatiling matapat kay Jesucristo.

Larawan
Mormon killed

Napatay ng mga Lamanita si Mormon at ang lahat ng Nephita maliban kay Moroni, na tumapos sa pagsusulat ng mga tala.