Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 33: Ang mga King-men Laban sa mga Freemen


Kabanata 33

Ang mga King-men Laban sa mga Freemen

Larawan
Pahoran talking to others

Nais ng ilang Nephita na baguhin ng punong hukom na si Pahoran ang ilan sa mga batas.

Larawan
people angry

Nang tumanggi si Pahoran, nagalit ang mga tao at ninais na alisin si Pahoran bilang punong hukom. Nais nilang magkaroon ng hari, hindi mga hukom.

Larawan
two men talking

Tinawag na mga king-men, umasa sila na ang isa sa kanila ay magiging hari at magkaroon ng kapangyarihan sa mga tao.

Larawan
group of men praying

Ang mga Nephita na nagnais na manatili si Pahoran bilang punong hukom ay tinawag na mga freemen. Nais nilang maging malaya na makapamuhay at makasamba ayon sa nais nila.

Larawan
men lining up to vote

Pumili ang mga tao sa pagitan ng mga king-men at mga freemen. Karamihan sa kanila ay bumoto sa mga freemen.

Larawan
Lamanite army

Sa panahon ding iyon, nagtitipon si Amalikeo ng isang malaking hukbo ng mga Lamanita upang lumusob sa mga Nephita.

Larawan
king-men

Nang malaman ng mga king-men na darating ang mga Lamanita, natuwa sila at tumanggi na tumulong sa pagtatanggol sa kanilang bayan.

Larawan
Moroni watching king-men

Nagalit si Kapitan Moroni sa mga king-men sa pagtanggi nila na makipaglaban. Pinaghirapan niyang mapanatiling malaya ang mga Nephita.

Larawan
Moroni talking with governor

Humingi siya ng kapangyarihan sa gobernador na pilitin ang mga king-men na makipaglaban, o hatulan sila ng kamatayan.

Larawan
governor talking with Moroni

Nang bigyan ng gobernador na si Pahoran ng ganitong kapangyarihan si Moroni, pinamunuan ni Moroni ang kanyang hukbo laban sa mga king-men.

Larawan
Nephites and Lamanites battling

Maraming king-men ang napatay; ang ilan ay ikinulong sa bilangguan. Ang natira ay pumayag na tumulong sa pagtatanggol sa kanilang bayan laban sa mga Lamanita.