Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 6: Ang Panaginip ni Lehi


Kabanata 6

Ang Panaginip ni Lehi

Larawan

Sinabi ni Lehi sa kanyang mag-anak ang tungkol sa isang mahalagang pangitain na kanyang nakita sa isang panaginip. Naging masaya si Lehi para kina Nephi at Sam dahil sa kanyang panaginip ngunit nalungkot siya para kina Laman at Lemuel.

Larawan

Sa kanyang panaginip ay nakita ni Lehi ang isang lalaking nakasuot ng puting bata na nagsabi kay Lehi na sumunod sa kanya. Sumunod si Lehi sa lalaki patungo sa isang madilim at mapanglaw na ilang.

Larawan

Pagkatapos na maglakbay sa dilim sa loob ng maraming oras, nanalangin si Lehi upang humingi ng tulong.

Larawan
tree

Pagkatapos ay nakakita siya ng punungkahoy na may puting bunga. Magiging masaya ang mga kakain ng matamis na bungang ito.

Larawan

Kinain ni Lehi ang bunga, at siya ay napuspos ng kaligayahan. Ninais niyang matikman din ng kanyang mag-anak ang bunga dahil alam niyang mapasasaya rin sila nito.

Larawan

May nakita si Lehi na isang ilog na dumadaloy malapit sa punungkahoy. Sa unahan ng ilog, nakita niya sina Saria, Sam, at Nephi.

Larawan

Tinawag ni Lehi ang kanyang asawa at mga anak na lalaki na lumapit at tumikim sa bunga. Sina Saria, Sam, at Nephi ay lumapit at tinikman ang bunga, ngunit ayaw nina Laman at Lemuel.

Larawan

May nakita rin si Lehi na isang gabay na bakal at isang makipot at makitid na landas patungo sa punongkahoy.

Larawan

May nakita siyang maraming tao na naglalakad sa landas o patungo dito. Dahil sa abu-abo ng kadiliman, ang ilan ay napalayo sa landas at nawala.

Larawan

Ang ilan ay mahigpit na humawak sa gabay na bakal at nakatawid sa kadiliman at nakarating sa punungkahoy. Natikman nila ang bunga.

Larawan

Pinagtawanan ang mga tao sa isang malaking gusali sa kabilang pampang ng ilog ang mga taong kumain ng bunga. Ang ilan sa mga kumain ng bunga ay napahiya at umalis sa punungkahoy.

Larawan

Maraming tao ang nakita ni Lehi sa kanyang panaginip. Ang ilan ay mahigpit na humawak sa gabay na bakal at naglakbay sa kadiliman patungo sa punongkahoy. Tinikman nila ang bunga. Ang ilan ay pumunta sa malaking gusali o nalunod sa ilog o nawala. Sina Laman at Lemuel ay hindi kumain ng bunga. Nag-alala si Lehi sa kanila at sinubok na tulu gan sila na sumunod sa mga kautusan ng Diyos.