Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 35: Si Kapitan Moroni at si Pahoran


Kabanata 35

Si Kapitan Moroni at si Pahoran

Larawan
Moroni reading paper

Natuwa si Kapitan Moroni nang malaman na nabawi ni Helaman at ng kanyang hukbo ang malaking bahagi ng lupain ng mga Nephita mula sa mga Lamanita.

Larawan
warriors standing on wall

Ngunit kailangan ng tulong ni Helaman at ng kanyang hukbo. Wala silang sapat na mga kawal upang ipagtanggol ang napakaraming lungsod.

Larawan
Captain Moroni writing

Sumulat si Kapitan Moroni ng isang liham kay Pahoran, ang punong hukom at gobernador. Hiniling niya kay Pahoran na magpadala ng karagdagang kawal upang tumulong sa hukbo ni Helaman.

Larawan
Lamanites attacking city

Nilusob ng mga Lamanita ang isang lungsod ng mga Nephita na nabawi ni Helaman. Pinatay nila ang maraming Nephita at hinabol ang natira palabas ng lungsod.

Larawan
Moroni writing

Galit sa mga namumuno sa pamahalaan dahil hindi sila nagpadala ng tulong, sumulat si Moroni ng isa pang liham kay Pahoran.

Larawan
soldiers

Sumulat si Kapitan Moroni na maraming tao ang napatay dahil hindi nagpadala si Pahoran ng karagdagang kawal.

Larawan
Moroni writing

Kung hindi kaagad magpapadala si Pahoran ng mga tao at pagkain, dadalhin ni Moroni nang kanyang hukbo sa Zarahemla at kukunin kung anuman ang kailangan ng kanyang hukbo.

Larawan
Moroni receiving letter

Hindi nagtagal, nakatanggap si Moroni ng isang liham mula kay Pahoran. Labis siyang nalungkot na naghihirap si Moroni at ang kanyang mga hukbo.

Larawan
Pahoran writing letter

Sinabi ni Pahoran na isang pangkat ng masasamang Nephita na tinatawag na mga king-men ang ayaw na siya ang maging punong hukom nila. Itinaboy nila siya at ang kanyang mga tagasunod palabas sa Zarahemla.

Larawan
army gathering outside of city

Sinabi ni Pahoran na nagtitipon siya ng hukbo upang tangkaing mabawi ang Zarahemla.

Larawan
king and his men

Pumili ang mga king-men ng isang hari upang maging pinuno nila at umanib sa mga Lamanita.

Larawan
Pahoran writing letter

Hindi nagalit si Pahoran sa mga isinulat ni Moroni. Nais din niya na maging malaya ang mga Nephita.

Larawan
Moroni reading letter

Hiniling niya kay Moroni na magpadala ng ilang kalalakihan at sinabi na kung makapagtitipon si Moroni nang marami pang kalalakihan habang nasa daan, maaaring mabawi ng pinagsanib na mga hukbo ang Zarahemla.

Larawan
Moroni holding letter

Natuwa si Kapitan Moroni na si Pahoran ay matapat pa rin sa kanyang bayan at nais pa rin ng kalayaan para sa kanyang mga tao.

Larawan
Moroni and soldiers

Kasama ng ilan sa kanyang tao, nakipagtagpo si Moroni kay Pahoran. Dala niya ang bandila ng kalayaan, at libulibong kalalakihan ang sumapi sa kanila sa daan.

Larawan
fighting at city wall

Nagmartsa ang pinagsanib na mga hukbo nina Moroni at Pahoran laban sa Zarahemla. Napatay nila ang hari ng masasamang Nephita at nadakip ang kanyang mga tao.

Larawan
Moroni and soldiers

Pagkatapos ay nagpadala si Moroni ng pagkain at 12,000 kawal upang tumulong sa mga hukbo ng mga Nephita. Naitaboy ng mga hukbong ito ang mga Lamanita, at muling nagkaroon ng kapayapaan sa lupain.