Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 41: Ang mga Palatandaan ng Pagsilang ni Cristo


Kabanata 41

Ang mga Palatandaan ng Pagsilang ni Cristo

Larawan
Nephi giving records to son

Ibinigay ni Nephi, ang anak na lalaki ni Helaman, ang banal na mga talaan at banal na mga kasulatan sa kanyang pinakamatandang anak na lalaki, si Nephi.

Larawan
people talking

Nakita ng mga Nephita ang dakilang mga palatandaan at himala na sinabi ng mga propeta na magaganap bago isilang si Jesucristo.

Larawan
men smiling

Ngunit sinabi ng ilang Nephita na ang panahon para sa pagsilang ni Jesus ay lumipas na. Pinagtawanan nila ang mga naniniwala pa rin sa mga propesiya ni Samuel na Lamanita.

Larawan
men listening to old man

Ang mga tao na naniwala kay Jesucristo at sa mga propeta ay nalungkot na maaaring may pumipigil na matupad ang mga propesiya.

Larawan
family looking up

Matapat na naghintay ang mga tao sa isang gabi na walang kadiliman, na siyang palatandaan na isisilang na si Jesucristo.

Larawan
men plotting

Ang mga hindi naniwala kay Jesucristo ay pumili ng araw kung kailan nila papatayin ang mga naniniwala kapag hindi nangyari ang palatandaan.

Larawan
Nephi

Nalungkot si Nephi dahil sa kasamaan ng mga hindi naniniwala sa Tagapagligtas.

Larawan
Nephi praying

Nanalangin si Nephi nang buong araw para sa mga taong papatayin.

Larawan
Nephi

Inaliw ng Panginoon si Nephi at sinabi sa kanya na hindi didilim nang gabing iyon. Isisilang si Jesus sa susunod na araw sa Betlehem.

Larawan
family watching sunset

Nang gabing iyon, lumubog ang araw, ngunit hindi dumilim. Dumating ang palatandaan ng pagsilang ni Jesus. Nanggilalas ang mga tao.

Larawan
wicked men on ground

Ang mga tao na nagplanong patayin ang mga naniniwala ay bumagsak sa lupa at nagmistulang patay.

Larawan
two men

Natakot sila dahil sila ay naging masama. Alam na nila ngayon na isisilang ang Tagapagligtas at tama ang mga propeta.

Larawan
warriors in field

Nagpatuloy na maliwanag sa buong magdamag. Nang sumikat ang araw kinaumagahan, alam ng mga tao na isisilang si Jesucristo nang araw na iyon. Natupad ang mga propesiya.

Larawan
men seeing new star

Isang bagong bituin ang lumitaw sa langit, kagaya ng sinabi ng mga propeta.

Larawan
woman and man looking up

Tinangka pa rin ni Satanas na huwag papaniwalain ang mga tao sa mga palatandaan na kanilang nakita, ngunit naniwala ang karamihan.

Larawan
Nephi baptizing man

Bininyagan ni Nephi at ng iba pang pinuno ng Simbahan ang lahat ng naniwala at nagsisi.

Larawan
people in town

Nagkaroon ng magandang balita sa lupain dahil natupad ang mga salita ng mga propeta. Isinilang si Jesucristo.