2016
Si Enos ay Madasalin
Pebrero 2016


Bayani sa Aklat ni Mormon

Si Enos ay Madasalin

Larawan
Product Shot from February 2015 Liahona

Ipinagdasal ni Enos ang ipinag-aalala niya. Ipinagdasal din niya ang iba. Ipinagdasal pa niya ang kanyang mga kaaway! Paano mo matutularan si Enos sa buwang ito?

Habang nasa bakasyon ang aming pamilya, nahiwalay kami kay Itay at sa aking batang kapatid. Padilim na noon. Hindi alam ng iba naming mga kapamilya ang gagawin. Sinabi ko sa kanila na dapat kaming magdasal. Nagdasal kami, at saka nagsimulang maglakad papunta sa iba pang mga tindahan. Naghanap kami sa kalye at nakita namin si Itay at ang aking batang kapatid! Masaya ako. Alam ko na mahal kami ng Diyos at tinulungan kaming makita si Itay.

Oliver P., edad 8, São Paulo, Brazil