2016
Mga Ideya para sa Family Home Evening
Pebrero 2016


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang halimbawa.

Larawan
Family group in Taiwan sitting together looking at a computer, talking and looking at photographs.

“Ang Galak sa Paggawa ng Family History,” pahina 22: Inanyayahan tayo ni Elder Cook na simulan ang gawain sa family history sa pagdaraos ng isang “Family Tree Gathering.” Para sa inyong family home evening, isiping gamitin ang FamilySearch.org para magtala ng impormasyon, mga kuwento, at mga retrato ng inyong pamilya. Nangako si Elder Cook na “kung maglalampas kayo ng tingin sa buhay na ito at sa mortalidad at tutulungan ninyo ang mga taong hindi matulungan ang kanilang sarili, pagpapalain kayo ng higit na pagkakalapit at kagalakan sa inyong pamilya at ng banal na proteksyon na ibinibigay sa mga taong tapat na naglilingkod sa Kanya.”

Larawan
Illustration depicting a girl helping her mother wash dishes, and two girls standing together and smiling.

Mga paglalarawan ni Andrew Bosley

“Yaman ng Patotoo,” pahina 70: Nang matanto ni Sabrina na ang kanyang patotoo ay isang yaman, gusto niyang ibahagi ito sa lahat. Isiping tulungan ang inyong pamilya na kilalanin ang sarili nilang “mga yaman ng patotoo” sa pagtalakay kung bakit nila mahal ang ebanghelyo ni Jesucristo, ano ang ipinadarama nito sa kanila, o paano ito naaangkop sa buhay nila araw-araw. Maaari ninyong ipatala sa bawat tao ang kanyang mga sagot sa mga tanong na ito sa pagsulat sa mga ito o sa paggamit ng audio recorder. Isiping papiliin ang bawat isa ng isang taong mababahaginan nila ng kanilang yaman ng patotoo sa linggong ito.