2016
Pinasasalamatan Niya ang Inyong Paglilingkod
Pebrero 2016


Pangako ng Propeta

Pinasasalamatan Niya ang Inyong Paglilingkod

“Anumang inyong katungkulan … , maaaring may mga pagkakataon na tila pakiramdam ninyo ay hindi na kayo napapansin ng Ama sa Langit. Maaari kayong manalangin upang malaman ang Kanyang kalooban, at kung may tapat kayong hangarin na gawin ang anumang ipapagawa Niya sa inyo, makatatanggap kayo ng sagot.

“Papahintulutan kayo ng Ama sa Langit na maramdaman na kilala Niya kayo, na ikinalulugod Niya ang inyong paglilingkod, at kayo ay nagiging karapat-dapat sa pagbati ng Panginoon na sadyang nais ninyong marinig: ‘Mabuting gawa, mabuti at tapat na alipin; nagtapat ka sa kakaunting bagay, pamamahalain kita sa maraming bagay; pumasok ka sa kagalakan ng iyong Panginoon’” [Mateo 25:23].

Pangulong Henry B. Eyring, Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan, “Hindi Ka Nag-iisa sa Gawain,” Liahona, Nob. 2015, 82.