2016
Pagbabahagi ng mga Pamantayan
Pebrero 2016


Mga Batang Naninindigan

Pagbabahagi ng mga Pamantayan

Larawan
Product Shot from February 2015 Liahona

Hi! Ako si Isaac.

Nakatira ako sa Geneva, Switzerland. Paglaki ko, gusto kong maging isang paleontologist o beterinaryo. Mahilig akong tumakbo at makipaglaro sa aso kong si Happy.

Kami lang ng kapatid kong lalaki at babae ang mga miyembro ng Simbahan sa aming paaralan. Marami kaming mababait na kaibigan, pero ang ilan sa kanila ay iba sa amin ang mga pamantayan. Nagpasiya na ako na laging panindigan ang aking pinaniniwalaan, kahit hindi ito ang popular na gawin.