2016
Pagpapakita ng Pagmamahal
September 2016


Mga Bata

Pagpapakita ng Pagmamahal

Larawan
story with crayons

Nagkuwento si Jesus tungkol sa isang ama at sa kanyang dalawang anak na lalaki. Nagtrabaho ang ama sa isang ubasan at pinatulong ang dalawang anak niyang lalaki. Tumanggi ang unang anak noong una ngunit kalaunan ay nagpunta upang tumulong sa ubasan. Sinabi ng pangalawang anak na tutulong siya, ngunit hindi naman niya ito ginawa. Itinuro ni Jesus na ang unang anak ang nagpakita ng higit na pagmamahal sa kanyang ama sa pagiging masunurin.

Isadula ang kuwentong ito! Pagkatapos ay isulat o idrowing ang tatlong bagay na magagawa ninyo upang ipakita ang inyong pagmamahal sa Ama sa Langit.