2016
Ang Pagiging Magulang ay Isang Sagradong Tungkulin
September 2016


Mensahe sa Visiting Teaching

Ang Pagiging Magulang ay Isang Sagradong Tungkulin

Mapanalanging pag-aralan ang materyal na ito at maghangad ng inspirasyong malaman kung ano ang ibabahagi. Paano lumalakas ang pananampalataya ninyo sa Diyos kapag naunawaan ninyo “Ang Mag-Anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” at mapagpapala ang mga pinangangalagaan ninyo sa pamamagitan ng visiting teaching? Para sa karagdagang impormasyon, magpunta sa reliefsociety.lds.org.

Pananampalataya, Pamilya, Kapanatagan

Larawan
Relief Society seal
Larawan
family sitting around the table

Itinatag ng ating Ama sa Langit ang mga pamilya para tulungan tayong magturo ng mga wastong alituntunin sa isang kapaligirang puno ng pagmamahal. Sabi ni Pangulong Thomas S. Monson: “Purihin ang inyong anak at yakapin siya; sabihing, ‘Mahal kita’ nang mas madalas; laging magpasalamat. Huwag hayaang maging mas mahalaga ang problemang lulutasin kaysa sa taong kailangang mahalin.”1

Itinuro ni Susan W. Tanner, dating Young Women general president, “Ang halimbawa ng Ating Ama sa Langit ang mga huwarang dapat nating sundin. Mahal Niya tayo, tinuturuan tayo, matiisin sa atin, at ipinagkatiwala sa atin ang ating kalayaang pumili … Kung minsan napagkakamalan ang disiplina, na ibig sabihi’y ‘magturo,’ na pamimintas. Mas bumubuti sa pagmamahal at panghihikayat ang pag-uugali ng mga bata—at ng lahat ng tao kahit anong edad—kaysa sa pambabatikos.”2

“Kung tayo ay tapat na magdaraos ng panalangin ng pamilya, pag-aaral ng mga banal na kasulatan, ng family home evening, mga basbas ng priesthood, at igagalang natin ang araw ng Sabbath,” sabi ni Elder Quentin L. Cook ng Korum ng Labindalawang Apostol, “[Ang] ating mga anak [ay] … magiging handa … para sa isang walang-hanggang tahanan sa langit, anuman ang mangyari sa kanila sa mundong ito na puno ng pagsubok.”3

Karagdagang mga Banal na Kasulatan

1 Nephi 8:37; 3 Nephi 22:13; Doktrina at mga Tipan 93:40; 121:41

Mga Kuwento ng Buhay

“Nagbabasa ako ng pahayagan nang umupo sa tabi ko ang isa sa mga apo kong lalaki,” sabi ni Elder Robert D. Hales ng Korum ng Labindalawang Apostol. “Habang nagbabasa ako, natutuwa akong pakinggan ang malambing niyang tinig na salita nang salita. Para na ninyong nakita ang pagkabigla ko, nang ilang sandali pa ay pumagitna siya sa akin at sa binabasa ko. Hinawakan niya ang mukha ko at idinikit ang ilong niya sa ilong ko sabay tanong, ‘Lolo! Nandiyan po ba kayo?’

“… Ang ibig sabihin ng nariyan ay nauunawaan ang nasa puso ng ating mga kabataan at nakikipag-ugnayan sa kanila. At ang pakikipag-ugnayan sa kanila ay hindi lang pakikipag-usap sa kanila kundi paggawa din na kasama nila. …

“Kailangang planuhin at samantalahin natin ang mga sandaling maturuan sila. …

Habang nagkakaedad ako, lalo kong natatanto na ang mga sandali na naturuan ako, lalo ng aking mga magulang noong bata pa ako, ang humubog sa aking buhay at pagkatao.”4

Mga Tala

  1. Thomas S. Monson, “Pagmamahalan sa Tahanan—Payo mula sa Ating Propeta,” Liahona, Ago. 2011, 4.

  2. Susan W. Tanner, “Nasabi Ko ba sa Iyo … ?” Liahona, Mayo 2003, 74.

  3. Quentin L. Cook, “Tanglaw Ko ang Diyos,” Liahona, Mayo 2015, 64.

  4. Robert D. Hales, “Ang Ating Tungkulin sa Diyos: Ang Misyon ng mga Magulang at Lider para sa Bagong Henerasyon,” Liahona, Mayo 2010, 95.