2016
Ang Ating Pahina
September 2016


Ang Ating Pahina

Larawan
our page
Larawan
Omar V

Gusto kong manalangin dahil nadarama kong binibiyayaan tayo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Naniniwala ako na Sila ay buhay at mahal Nila tayo.

Gusto ko ang family home evening at pagsisimba kasama ang aking mga magulang dahil natututo ako tungkol sa Diyos at sa Kanyang Anak.

Omar V., edad 7 (noong kinuha ang retrato), Ecuador

Larawan
temple drawing

Malapit na akong maging 12 anyos at tatanggapin ko na ang Aaronic Priesthood, at dahil dito makakapasok na ako sa templo at mapapabinyagan ko na ang aking mga ninuno. Masayang masaya ako!

Abel S., edad 11 (noong ginuhit ang larawan), Peru

Larawan
Kirtland Temple drawing

Ni Ananda A., edad 9 (noong ginuhit ang larawan), Brazil

Larawan
Hannah S

Sinisikap kong sundin ang halimbawa ni Jesucristo sa bahay, sa paaralan, at sa simbahan sa pamamagitan ng pagiging matulungin sa iba. Gusto kong tinutulungan ang aking mga kaklase sa aralin sa math at English. Ang mga batang sumusunod sa kanilang mga magulang at sa Tagapagligtas ay tatanggap ng mga biyaya.

Hannah S., edad 6 (noong kinuha ang retrato), Nigeria