2016
Aling Landas ang Pipiliin?
September 2016


Aling Landas ang Pipiliin?

Araw-araw ay may masamang sinasabi si Hannah.

Larawan
which path to choose

Iyon ang unang araw ng klase sa bago kong paaralan. Gustung-gusto ko ang makipagkaibigan at magaling ako rito. Pumasok ako sa aking silid-aralan at nakita ko ang lahat ng tao. Naisip ko na magiging magandang taon ito para sa akin. Nang mananghalian kami ng mga bago kong kaibigan, umupo kaming lahat sa tabi ng isang batang babae mula sa ibang klase. Ang pangalan niya ay Hannah. Nang umupo na ako, sabi ni Hannah, “Wow, ang baho naman ng sapatos mo. Iniisip ko nga kung ang basurahan ang nangangamoy o iyang suot mo.”

Nagulat talaga ako nang sinabi niya iyon, at nagulat din ang iba. Kaya tumayo ako at lumipat sa ibang mesa at tumabi sa isa pang bagong kaibigan.

Sa oras ng recess nang sumunod na araw, may masama na namang sinabi si Hannah. Nagpatuloy ito araw-araw, ngunit hindi ako nagsasalita ng masama sa kanya, dahil sinabi ng aking guro sa Sunday School na si Brother Lawson, na dapat nating pakitunguhan ang iba sa paraan na gusto nating pakitunguhan tayo. Nang maisip ko iyon, magalang kong hiniling kay Hannah na itigil na niya ito o sabihin sa akin kung bakit ganito ang pakikitungo niya sa akin.

Pagkatapos ay umuwi ako at sinabi ko kay Inay ang lahat ng bagay na sinabi ni Hannah. Naiinis talaga ako! Sabi ni Inay, “Abbey, sikapin mong huwag maging masungit sa kanya. Kung minsan, ang ikinikilos ng mga tao ay sanhi ng mga problema nila sa bahay.”

Kaya nang pumunta ako sa paaralan, pinag-isipan ko ang mga sinabi ni Inay at ni Brother Lawson. Nang araw na iyon sa paaralan, sa wakas ay sinabi na rin sa akin ni Hannah na may mga problema siya sa kanilang bahay at nagsasalita siya ng masasama dahil galit siya. Pinatawad ko siya, at sa taong ito ay magkasama kami sa iisang klase at naging matalik kaming magkaibigan!

Nalaman ko na ang pagsunod kay Jesus ay ang pinakamagandang landas.