2016
Kung tapat ako sa buhay bago tayo isinilang, bakit napakahirap na maging ganoon ako ngayon?
September 2016


Kung tapat ako sa buhay bago tayo isinilang, bakit napakahirap na maging ganoon ako ngayon?

Lahat ng tao na naparito sa mundo ay pinili sa buhay bago tayo isinilang na sundin ang plano ng Ama sa Langit at tanggapin si Jesucristo bilang Tagapagligtas. Ngunit hindi iyan nangangahulugan na ang pagsunod at pagiging mabuti sa buhay na ito ay magiging madali. Dahil nilayon ng plano ng Ama sa Langit na subukan tayo sa buhay na ito kung paano natin gagamitin ang ating kalayaan sa pagpili, at inalis ang ating mga alaala tungkol sa buhay bago tayo isinilang. Gayon din, bilang bahagi ng Kanyang plano, tumanggap tayo ng pisikal na katawan, na lantad sa katakawan, pagnanasa, at tukso na hindi natin naramdaman bilang mga espiritu. Ginagawa tayo nitong mas madaling maakit sa mga bagay na “makamundo, mahalay, at mala-diyablo” (Moises 5:13), na siyang dahilan kung bakit “ang likas na tao ay kaaway ng Diyos” (Mosias 3:19).

Makakayanan lamang ng isang tao ang mga hamong ito kung “binibigyang-daan [niya] ang panghihikayat ng Espiritu Santo, at hinuhubad ang likas na tao at maging banal sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo ang Panginoon” (Mosias 3:19). Hindi ito madali, ngunit palalakasin kayo ni Jesucristo at babaguhin kayo kapag nakikinig kayo sa Espiritu, gumagawa ng mabubuting pasiya, at lumalapit sa Kanya.