2016
Bakit mahalaga ang Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas?
September 2016


Mga Sagot mula sa Isang Apostol

Bakit mahalaga ang Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas?

Mula sa “Pinalakas ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo,” Liahona, Nob. 2015, 61–64.

Larawan
why is the Saviors Atonement important

Ginawang posible ng Pagbabayad-sala ng ating Tagapagligtas ang pagkabuhay na mag-uli upang lahat tayo ay mabuhay muli pagkatapos nating mamatay.

Ginawa rin nitong posible na maging malinis tayo mula sa ating mga kasalanan kung tayo ay magsisisi.

Bilang bahagi ng Kanyang Pagbabayad-sala, dinanas ni Jesus ang iba’t ibang klase ng hamon upang malaman Niya kung paano tayo tutulungan kapag malungkot o nahihirapan tayo.

Nauunawaan Niya ang ating mga paghihirap at pagdurusa, at nariyan Siya para sa atin.

Tutulungan at palalakasin ni Jesucristo ang lahat ng hihingi ng tulong.