2016
Mga Ideya para sa Family Home Evening
September 2016


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang halimbawa.

Larawan
family home evening

“Mga Kautusan = Pagmamahal,” pahina 56: Isiping tanungin ang iyong mga anak tungkol sa mga sitwasyon na natukso silang suwayin ka. Maaaring ibilang sa mga halimbawa ang paglalaro sa isang kalsadang maraming dumaraang sasakyan o pagtulog sa isang partikular na oras. Tanungin sila kung ano kaya sa palagay nila ang dahilan kung bakit mo ibinigay sa kanila ang mga tagubiling iyon (dahil mahal mo sila). Pagkatapos ay magagamit mo ang artikulo para iangkop ang alituntuning ito sa mga utos ng Ama sa Langit. Ipaliwanag na binibigyan tayo ng Ama sa Langit ng mga kautusan dahil mahal Niya tayo at alam Niya na mapoprotektahan tayo ng mga kautusan. Ipinapakita natin ang ating pagmamahal sa Kanya sa pagsunod sa mga kautusang iyon.

“Pag-aalaga kay Elise,” pahina 70: Ang artikulo ay nagkukuwento tungkol sa batang si Daniel na may kapatid na babaeng may kapansanan na kung minsan ay kinaiinisan niya kahit mahal niya ito. Isiping basahin ang artikulo sa iyong mga anak. Maaari mo silang tanungin kung paano nagpakita ng pagmamahal si Daniel sa kanyang kapatid at saka kayo magpalitan ng ideya ng mga kapamilya mo kung paano kayo makapagpapakita ng pagmamahal sa isa’t isa, na tinutularan ang halimbawa ni Daniel.