Larawan
beeing a missionary
Hi, Ako si Jesse!
Bawat miyembro ay maaaring maging missionary. Ang aking stake president sa California ay nagbigay sa amin ng hamon na ibahagi ang ebanghelyo. Nang kinailangan kong magbigay ng report sa paaralan tungkol sa isang estado sa Estados Unidos, alam kong ito na ang pagkakataon ko!
Pinapili kami ng aming guro ng isang estado sa U.S. na gagawan namin ng diorama, o isang miniature scene. Sinabi ko sa aming guro na gusto kong magreport tungkol sa Utah. Ilang beses na akong nakapunta sa Utah para magbakasyon kasama ng aming pamilya. Gusto kong madagdagan pa ang kaalaman ko tungkol sa “Beehive State.” At naisip ko na makatutulong ito sa akin na gawin ang gawaing misyonero!
Nalaman ko na sa Utah ikinabit ang ginintuang pako [spike] na nag-uugnay sa Unang Transcontinental Railroad. Naglagay ako ng larawan ng Salt Lake Temple sa aking proyekto. Naglagay din ako ng impormasyon tungkol kay Pangulong David O. McKay (1873–1970) dahil siya ang paboritong propeta ng lolo ko.
Gusto kong ipakita sa klase ang magagandang nilikha ng ating Tagapagligtas sa pamamagitan ng aking diorama. Dinikitan ko ng mga bubuyog ang isang kahon at ginawa ko itong parang beehive. Ipinaaalala sa atin ng mga beehive na maging masipag na tulad ng mga bubuyog sa pagpapalaganap ng ebanghelyo.
Dinala ko ang aking proyekto sa open house. Nagustuhan ng lahat ang aking kahon na parang beehive! A+ ang markang ibinigay sa akin ng aming guro! Umaasa ako na makikita ng mga tao kung gaano kaganda ang Utah. Baka magtanong pa sila tungkol sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Hindi na ako makapaghintay na umabot sa tamang edad para makapagmisyon at ibahagi ang ebanghelyo!
•Makinig sa panghihikayat ng Espiritu.
•Huwag magmura o banggitin ang pangalan ng Panginoon sa walang kabuluhan.•
Kung may hindi magandang nangyayari, lumayo o maghanap ng iba pang mga aktibidad na magpapasaya sa inyo.•
Humanap ng pagkakataong tulungan ang iba.
Paano mo sinusunod si Jesus sa pamamagitan ng paninindigan? Bakatin ang paa mo at ipadala sa amin ang iyong kuwento at retrato, kasama ang pahintulot ng iyong magulang. Ipadala ito sa liahona.lds.org (iklik ang “Submit an Article”) o ipadala sa email sa liahona@ldschurch.org .