2022
Bakit Tayo Nagbabayad ng Ikapu
Disyembre 2022


“Bakit Tayo Nagbabayad ng Ikapu,” Liahona, Dis. 2022.

Mga Pangunahing Aral ng Ebanghelyo

Bakit Tayo Nagbabayad ng Ikapu

Larawan
mga barya

Ang mga miyembro Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay nagbibigay ng ikasampung bahagi ng kanilang kinikita sa Simbahan. Tinatawag itong ikapu. Ang pera ay ginagamit upang maisagawa ang gawain ng Simbahan sa buong mundo.

Ano ang Ikapu?

Ang isa sa mga utos ng Diyos ay magbayad ng ikapu, na ikasampung bahagi ng ating kita, sa Kanyang Simbahan. Kapag nagbabayad tayo ng ikapu, ipinapakita natin ang ating pasasalamat sa Diyos para sa ating mga pagpapala. Ipinapakita natin na nagtitiwala tayo sa Panginoon at na handa tayong sundin Siya sa lahat ng bagay.

Larawan
nagdadala ang mga tao ng mga kalakal kay Melchizedek bilang pagbabayad ng ikapu

Melchizedek—Keeper of the Storehouse [Melquizedek—Tagapag-ingat ng Kamalig], ni Clark Kelley Price

Mga Kuwento sa Lumang Tipan

Nagbabayad na ang mga tao ng Diyos ng ikapu simula pa noong panahon ng Lumang Tipan. Halimbawa, si Abraham ay nagbayad ng ikapu (tingnan sa Genesis 14:18–20). Ang batas ng ikapu ay itinuro din ng mga sinaunang propeta, kabilang dito sina Moises at Malakias (tingnan sa Levitico 27:30–34; Nehemias 10:35–37; Malakias 3:10).

Pagpapanumbalik ng Batas ng Ikapu

Noong 1838, itinanong ni Propetang Joseph Smith sa Panginoon kung paano dapat magbayad ng ikapu ang mga miyembro ng Simbahan. Ang sagot ng Panginoon ay nakatala sa Doktrina at mga Tipan 119, na nagsasabing dapat ibigay ng mga miyembro ang ikasampung bahagi ng kanilang tinubo sa Simbahan (tingnan sa talata 4). Itinuro ng mga lider ng Simbahan na ang ibig sabihin ng “tinubo” ay kita.

Larawan
mga taong nagkakamayan habang iniaabot sa isang kamay ang sobre

Larawang kuha ni Jamie Dale Johnson

Paano Magbayad ng Ikapu

Maaari tayong magbayad ng ikapu sa pamamagitan ng pagsulat ng kailangang impormasyon sa online donation form sa donations.ChurchofJesusChrist.org. O maaari nating punan ang paper form at ibigay ang pera sa isang miyembro ng bishopric o branch presidency. Lahat ng pera ay ipinadadala sa headquarters ng Simbahan, kung saan mapanalanging ipinapasiya ng mga lider ng Simbahan (ang Unang Panguluhan, Korum ng Labindalawang Apostol, at Presiding Bishopric) kung paano ito gagamitin.

Pagpapala, mga

Nangako ang Panginoon na ang mga nagbabayad ng ikapu ay pagpapalain sa temporal at espirituwal. Pinagpapala rin ng ikapu ang lahat ng anak ng Diyos ng pagkakataong matuto tungkol sa Kanya at umunlad sa ebanghelyo.

Larawan
Salt Lake Temple

Paano Ginagamit ang Mga Pondo ng Ikapu

Ang ikapu ay ginagamit sa pagtatayo ng Simbahan ng Panginoon sa buong mundo. Kabilang dito ang pagtatayo ng mga templo at iba pang mga istruktura ng Simbahan, paglilimbag ng mga banal na kasulatan at iba pang mga materyal, pagpopondo ng mga paaralan na pag-aari ng Simbahan, at pagtulong sa family history at gawaing misyonero.

Tithing Declaration

Minsan sa isang taon, nakikipagkita ang mga miyembro ng Simbahan sa kanilang bishop (o branch president) para sabihin sa kanya kung sila ay mga full-tithe payer.