2022
Ang Tinapay ng Buhay
Disyembre 2022


“Ang Tinapay ng Buhay,” Liahona, Dis. 2022.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Mikas

Ang Tinapay ng Buhay

Larawan
Belen

Nativity [Kapanganakan], ni David Cooke, lahat ng karapatan ay nakalaan 2022 / Bridgeman Images

Sa buong taon na ito sa ating pag-aaral sa Lumang Tipan, natuklasan natin ang maraming simbolo na tumutulong sa atin na mapalalim ang ating pagmamahal at pag-unawa sa Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo. Isa sa mga simbolong ito, bagama’t hindi gaanong napapansin kumpara sa maraming iba pa, ay ang lugar ng kapanganakan ng Tagapagligtas—Betlehem.

Patungkol sa lugar ng kapanganakan ng Tagapagligtas, ipinahayag ni propetang Mikas, “Ngunit ikaw, Bethlehem sa Efrata, na maliit upang mapabilang sa mga angkan ng Juda, mula sa iyo ay lalabas para sa akin ang isa na magiging pinuno sa Israel; nang una, mula nang walang hanggan” (Mikas 5:2).

Larawan
sining ng Tagapagligtas at ng sakramento

“Sinabi ni Jesus sa kanila, Ako ang tinapay ng buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom” (Juan 6:35).

Detalye mula sa Always Remember Him [Lagi Siyang Aalalahanin], ni Robert T. Barrett

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson: “Pinili Niyang isilang sa Betlehem, katabi ang Jerusalem. Bakit kailangang sa Betlehem? May simbolikong kahalagahan ba sa kahulugan ng pangalang Betlehem, na ibig sabihin sa Hebreo ay ‘bahay ng tinapay’? Ipinahayag ng Dakilang Tagatustos ang Kanyang sarili bilang ‘tinapay ng buhay.’ (Tingnan sa Juan 6:48.) Napakaangkop na Siya, na ‘tinapay na buhay,’ ay magmumula sa “bahay ng tinapay.””1

Tala

  1. Russell M. Nelson, “In This Holy Land,” Liahona, Peb. 1991, 11, 13.