2022
Paano Nakasentro kay Jesucristo ang mga Sinaunang Sakripisyo?
Disyembre 2022


Paano Nakasentro kay Jesucristo ang mga Sinaunang Sakripisyo?,” Liahona, Dis. 2022.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Malakias

Paano Nakasentro kay Jesucristo ang mga Sinaunang Sakripisyo?

Larawan
isang dambana na napaliligiran ng mga hayop

Mga paglalarawan ni Denis Freitas

Nagbabala si Malakias laban sa pag-aalay ng maruming handog sa Panginoon. Hinihingi ng Panginoon ang “dalisay na handog” (Malakias1:11) at hindi niya hahayaang madungisan ang kanyang hapag (tingnan sa Malakias 1:12).

Ang mga sakripisyo na ito ay kailangang dalisay dahil ang mga ito ay “tumutukoy sa paraan na inilaan ng Diyos upang maibalik tayo sa Kanyang piling—si Jesucristo at ang Kanyang Pagbabayad-sala.”1 Ang mag-alay ng anumang bagay na hindi lubos na dalisay ay panlalait kapwa sa kasakdalan ni Cristo at sa Kanyang sakripisyo.