Institute
Lesson 2 Materyal sa Paghahanda para sa Klase: Pagpapalakas ng Ating Patotoo tungkol sa Buhay na Cristo


“Lesson 2 Materyal sa Paghahanda para sa Klase: Pagpapalakas ng Ating Patotoo tungkol sa Buhay na Cristo,” Materyal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang Kanyang Walang Hanggang Ebanghelyo (2023)

“Lesson 2 Materyal sa Paghahanda para sa Klase,” Materyal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang Kanyang Walang Hanggang Ebanghelyo

Larawan
Christ’s Image [Larawan ni Cristo], ni Heinrich Hofmann

Lesson 2 Materyal sa Paghahanda para sa Klase

Pagpapalakas ng Ating Patotoo tungkol sa Buhay na Cristo

Isipin ang pagdadalamhati at pighati na maaaring nadama ng mga tagasunod ni Jesucristo habang nakikita nila ang Kanyang pagdurusa at pagkamatay sa krus. Dahil hindi lubos na nauunawaan ang Kanyang misyon, malamang na nagulumihanan sila at nadamang nag-iisa sila habang inihihimlay nila ang Kanyang katawan sa libingan. Makikinita mo ang kanilang kagalakan at pagkamangha nang makalipas lamang ang ilang araw ay nakita nila na buhay Siya. Makapagpapatotoo na sila na Siya ang buhay na Cristo! Habang pinag-aaralan mo ang materyal na ito, isipin ang sarili mong patotoo tungkol sa buhay na Cristo at kung ano ang kahulugan Niya sa iyo.

Bahagi 1

Ano ang kahalagahan ng pagsasabing “Si Jesus ang Cristo”?

Sa simula ng Kanyang mortal na ministeryo, narinig ng dalawang disipulo ni Juan na Tagapagbautismo na sinabi ni Juan tungkol kay Jesus, “Narito ang Kordero ng Diyos!” (Juan 1:36). Nang marinig nila ito, sumunod sila kay Jesus. Ang isa sa kanila, si Andres, ay nakita ang kanyang kapatid na si Simon Pedro at nagsabing, “Natagpuan na namin ang … Cristo” (Juan 1:41).

Ang pahayag ni Andres na si Jesus ang Cristo ay mahalaga. Ang ibig sabihin ng salitang Griyego para sa Cristo ay “ang pinahiran ng langis” at katumbas ng salitang Hebreo para sa Mesiyas. “Ginamit bilang titulo sa isang katungkulan, ang [Cristo o Mesiyas] ay nangangahulugang ang Hari at Tagapagligtas na ang pagdating ay inaasam nang may pananabik ng mga Judio” (Bible Dictionary, “Messiah”).

Kalaunan sa Kanyang ministeryo, itinanong ni Jesus sa Kanyang mga disipulo kung ano ang sinasabi ng mga tao kung sino Siya. Ang tugon nila ay mga pangalan ng ilang propeta. Pagkatapos ay itinanong ni Jesus, “Ngunit ano ang sinasabi ninyo kung sino ako?” (Mateo 16:15).

Larawan
kinakausap ni Jesus si Pedro
Larawan
icon, pag-aralan

Mag-aral upang Makapaghanda para sa Klase

Basahin ang Mateo 16:16–17.

Bilang Cristo, si Jesus “ang pinahiran ng Ama upang maging personal na kinatawan ng Ama sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa kaligtasan ng sangkatauhan” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Pinahiran, Ang”). Dahil si Jesus ang Cristo, Siya ang tanging daan at sa Kanyang pangalan lamang tayo maliligtas mula sa mga bunga ng kasalanan at kamatayan (tingnan sa Mga Gawa 4:12; Mosias 3:17).

Larawan
icon, isulat

Isulat ang Iyong mga Naisip

Mag-ukol ng ilang minuto na basahin ang heading na “Jesucristo” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan (makukuha sa SimbahanniJesucristo.org) at hanapin ang iba’t ibang pangalan, titulo, at tungkuling ginagampanan na ibinigay kay Jesucristo. Itala ang iyong mga nalaman, at maging handa na ibahagi ang mga ito sa iyong klase.

Maaari mo ring basahin ang “Siya ang Cristo,” isang kanta na isinulat ni Pangulong James E. Faust, na naglingkod sa Unang Panguluhan. Isipin kung ano ang maaari mong ibahagi sa klase tungkol sa naisip at nadama mo tungkol sa kanta.

“This Is the Christ [Siya ang Cristo],” ni James E. Faust, Jan Pinborough, at Michael Finlinson Moody; inawit ng The Tabernacle Choir at Temple Square sa pangkalahatang kumperensya noong Oktubre 2018

Bahagi 2

Paano maiimpluwensyahan ng mga Apostol ng Panginoon ang aking patotoo na si Jesus ang Cristo?

Sa maraming lugar sa mundo, nababawasan ang naniniwala sa pagiging Diyos ni Jesucristo (tingnan sa Neil L. Andersen, “Nangungusap Tayo tungkol kay Cristo,” Liahona, Nob. 2020, 88). Marahil nasaksihan mo ang paghina ng pananampalataya sa lugar kung saan ka nakatira, nakita ang isang taong mahal mo na lumayo sa Tagapagligtas at sa Kanyang Simbahan, o naranasan mo mismo ang mawalan ng paniniwala.

Ang kawalan ng paniniwala kay Jesucristo ay karaniwan na sa ating panahon. Halimbawa, bagama’t nakakita ang mga Lamanita at mga Nephita ng kamangha-manghang “mga palatandaan at kababalaghan” tungkol sa pagsilang ng Tagapagligtas, ang mga tao kalaunan ay “hindi na nanggigilalas … at nagsimulang hindi paniwalaan ang lahat ng narinig nila at nakita” (3 Nephi 2:1).

Upang matulungan ang bawat isa sa atin sa ating paniniwala sa Kanya, tumawag ang Panginoon ng mga Apostol upang maging mga natatanging saksi Niya sa lahat ng tao (tingnan sa Mateo 28:19–20; 3 Nephi 12:1; Doktrina at mga Tipan 107:23).

Larawan
Christ Ordaining the Apostles [Inoordenan ni Cristo ang mga Apostol], ni Harry Anderson

Itinuro ni Pangulong Gordon B. Hinckley:

Larawan
Pangulong Gordon B. Hinckley

Natatangi ang kanilang tungkulin; sila ay mga Apostol ng Panginoong Jesucristo, na Kanyang pinili at inatasan. Sila ay inatasang patotohanan na Siya ay buhay sa pamamagitan ng kapangyarihan at awtoridad ng banal na pagka-apostol. (“Special Witnesses of Christ,” Ensign, Abr. 2001, 4)

Larawan
icon, pagnilayan

Magnilay-nilay upang Makapaghanda para sa Klase

Isipin ang mga pagkakataon na narinig mong ibinahagi ng mga Apostol ng Panginoon ang kanilang patotoo tungkol sa Tagapagligtas. Paano nakaimpluwensya ang kanilang patotoo sa sarili mong patotoo tungkol sa Kanya? Maaari mong panoorin ang isa o mahigit pa sa mga patotoo ng buhay na mga Apostol ng Panginoon mula sa video series na “Mga Natatanging Saksi ni Cristo” (makukuha sa SimbahanniJesucristo.org).

Bahagi 3

Paano mababago ang buhay ko sa pag-aaral ng “Ang Buhay na Cristo”?

Noong Enero 1, 2000, inilathala ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol ang kanilang patotoo tungkol sa Tagapagligtas sa isang dokumentong tinatawag na “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol” (makukuha sa SimbahanniJesucristo.org).

Sinabi ni Elder Robert D. Hales ng Korum ng Labindalawang Apostol tungkol sa makasaysayang dokumentong ito:

Larawan
Elder Robert D. Hales

“Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol” ay inihanda noon pa bago pa natin ito kinailangang mabuti. (“Pangkalahatang Kumperensya: Nagpapalakas ng Pananampalataya at Patotoo,” Liahona, Nob. 2013, 7)

Sinabi rin ni Pangulong Russell M. Nelson:

Larawan
Pangulong Russell M. Nelson

Maraming miyembro na ang nakapagsaulo ng mga katotohanang nakapaloob dito. Ang iba naman ay halos walang alam tungkol dito. Habang nagsisikap kayo na higit pang makaalam tungkol kay Jesucristo, hinihimok ko kayong pag-aralan ang “Ang Buhay na Cristo.” (“Paghugot ng Lakas kay Jesucristo sa Ating Buhay,” Liahona, Mayo 2017, 40)

Larawan
icon, pag-aralan

Mag-aral upang Makapaghanda para sa Klase

Basahing mabuti ang “Ang Buhay na Cristo, at maaari mong markahan ang mga bahagi nito na pinakamahalaga para sa iyo. Isiping manalangin muna bago ka magsimula upang matulungan ka ng Espiritu na madama ang katotohanan at kahalagahan ng pinag-aaralan mo.

Larawan
icon, kumilos

Kumilos

Ang pagsasaulo ng “Ang Buhay na Cristo” ay makatutugon sa requirement sa Pagbutihin ang Learning Experience para sa kursong ito. Isiping magtakda ng mithiin na isaulo ang lahat o ilang bahagi ng dokumentong ito habang pinagsisikapan mong palakasin ang iyong patotoo tungkol sa buhay na Cristo.