Institute
Lesson 6 Materyal sa Paghahanda para sa Klase: Paggamit ng Simbolismo upang Mas Maunawaan ang Nakatutubos na Kapangyarihan ni Cristo


“Lesson 6 Materyal sa Paghahanda para sa Klase: Paggamit ng Simbolismo upang Mas Maunawaan ang Nakatutubos na Kapangyarihan ni Cristo,” Materyal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang Kanyang Walang Hanggang Ebanghelyo (2023)

“Lesson 6 Materyal sa Paghahanda para sa Klase,” Materyal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang Kanyang Walang Hanggang Ebanghelyo

Larawan
Adam and Eve Offering Sacrifice [Nag-aalay ng Hain sina Adan at Eva], ni Keith Larson

Lesson 6 Materyal sa Paghahanda para sa Klase

Paggamit ng Simbolismo upang Mas Maunawaan ang Nakatutubos na Kapangyarihan ni Cristo

Napansin mo ba kung gaano kadalas gumagamit ang mga banal na kasulatan ng mga simbolo upang turuan tayo tungkol kay Jesucristo? Halimbawa, Siya ay inihambing sa tubig (tingnan sa Juan 4:14), tinapay (tingnan sa Juan 6:48), ilaw (tingnan sa Juan 8:12), isang bato (tingnan sa Helaman 5:12), araw (tingnan sa Malakias 4:2), at sa isang pastol (tingnan sa Mga Awit 23:1). Bago pa man Siya isinilang, gumamit si Jehova ng mga simbolo upang tulungan ang Kanyang mga tagasunod na asamin ang Kanyang pagparito at ang Kanyang nakatutubos na kapangyarihan. Habang pinag-aaralan mo ang ilang halimbawa sa lesson na ito, isipin kung paano mapapalalim ng mga simbolo sa banal na kasulatan ang iyong kaalaman at pagmamahal sa iyong Manunubos.

Bahagi 1

Ano ang matututuhan ko tungkol kay Jesucristo sa pamamagitan ng simbolismo ng pag-aalay ng hayop?

Nakasaad sa isang artikulo tungkol sa kapangyarihan ng simbolismo: “Ang simbolo ng ebanghelyo ay maaaring maging bagay, kaganapan, kilos, o turo na sumasagisag sa isang espirituwal na katotohanan. … ‘Dahil sa mga simbolo nauunawaan natin ang mga ideya at damdaming hindi kayang ipaliwanag ng mga salita. Naipahihiwatig natin ang ating damdamin kahit hindi tayo magsalita’ [Joseph Fielding McConkie and Donald W. Parry, Guide to Scriptural Symbols (1990), 1]” (“Bakit mga Simbolo?,” Liahona, Peb. 2007, 15, 16).

Sa mga banal na kasulatan, isa sa mga unang makapangyarihang simbolo ng Tagapagligtas ay ang pag-aalay ng hayop. Matapos kainin nina Adan at Eva ang ipinagbabawal na bunga at kinailangan nilang lisanin ang Halamanan ng Eden, sila ay inutusang sambahin ang Panginoon at mag-alay ng kordero bilang handog sa Kanya.

Larawan
lalaki na hawak ang isang kordero
Larawan
icon, pag-aralan

Mag-aral upang Makapaghanda para sa Klase

Basahin ang Moises 5:4–8, at isipin kung ano ang itinuturo sa atin ng simbolong pag-aalay ng isang walang malay at batang kordero tungkol sa pag-ibig ng Diyos at sa sakripisyo ni Jesucristo. (Paalala: Ang ibig sabihin ng kahalintulad ay pagkakatulad, pagkakawangis, o simbolo.)

Gamit ang simbolismo ng pag-aalay ng hayop, nagpatotoo si Apostol Pedro na tayo ay matutubos lamang “ng mahalagang dugo ni Cristo, gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis” (1 Pedro 1:19; tingnan din sa Alma 34:36).

Larawan
Adam and Eve Offering Sacrifices [Nag-aalay ng mga Hain sina Adan at Eva], ni Del Parson

Sinunod ng mga pinagtipanang tao ng Panginoon ang batas ng pag-aalay ng hayop bilang simbolo ng sakripisyo ni Jesucristo—at ang pag-aalay na iyan ay isang paalala na Siya ay magbabayad-sala para sa kanilang mga kasalanan. Tinulungan sila nitong asamin ang araw na iyon.

Itinuro ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Larawan
Elder Jeffrey R. Holland

Sa pamamagitan ng pag-aalay nila ng munting kordero bilang simbolo sa mortalidad, ipinahayag ni Adan at ng kanyang angkan ang pagkaunawa at pag-asa nila sa nagbabayad-salang sakripisyo ni Jesus ang Pinahiran. (“Narito, ang Cordero ng Dios,” Liahona, Mayo 2019, 44)

Larawan
icon, pagnilayan

Magnilay-nilay upang Makapaghanda para sa Klase

Paano pinalalalim ng pag-unawa sa simbolismong pag-aalay ng hayop ang iyong pagmamahal at pagpapahalaga sa nagbabayad-salang sakripisyo ni Jesucristo para sa iyo?

Bahagi 2

Paano ako mahihikayat ng mga simbolo ng Paskuwa na hangarin ang nakatutubos na kapangyarihan ng Tagapagligtas sa aking buhay?

Ang pag-aalay ng mga panganay na kordero ay nagpatuloy sa buong panahon ng Lumang Tipan. Ang gawaing ito ay naging lalong makabuluhan sa mga Israelita nang mapalaya sila mula sa pagkaalipin sa mga taga-Ehipto.

Ang kuwento ng paglaya ng Israel mula sa pagkabihag sa Egipto ay makatutulong sa atin na maunawaan kung paano tayo sinasagip ng Panginoon mula sa iba’t ibang uri ng pagkabihag na nararanasan natin. Bagama’t ang pagkaalipin ng mga Israelita ay isang uri ng pisikal na pagkaalipin, Itinuro ni Elder Quentin L. Cook ng Korum ng Labindalawang Apostol na maaari din tayong makaranas ng pagkaalipin dahil sa kasalanan, adiksyon, o paniniwala sa mga maling ideya (tingnan sa “Mga Panaghoy ni Jeremias: Mag-ingat sa Pagkaalipin,” Liahona, Nob. 2013, 88–91).

Ang mga Israelita ay mga alipin sa Ehipto nang mga 400 taon. Ngunit hindi sila nalimutan ng Panginoon. Alam Niya ang kanilang mga kalungkutan at narinig Niya ang kanilang mga pagsamo. Dumating Siya upang iligtas sila at tinawag si Moises upang tumulong. Noong gabi bago ang pagliligtas sa Israel, itinuro ng Panginoon ang Paskua, na puno ng mga simbolo na naglalayong ituro ang tungkol sa kapangyarihan ng Tagapagligtas na iligtas ang lahat ng susunod sa Kanya.

Larawan
kordero
Larawan
icon, pag-aralan

Mag-aral upang Makapaghanda para sa Klase

Basahin ang Exodo 12:3–13 at tukuyin ang mga simbolo na nagtuturo tungkol sa nagliligtas na kapangyarihan ni Jesucristo at kung paano ito matatanggap.

Larawan
icon, isulat

Isulat ang Iyong mga Naisip

Sa kasunod na talahanayan [table], isulat kung ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng bawat isa sa mga simbolo ng Paskuwa. Isipin kung ano ang maaaring ituro sa atin ng mga simbolong ito tungkol sa nakatutubos na kapangyarihan ng Tagapagligtas at kung paano ito matatamo. Maaari mong pag-aralan ang mga suportang banal na kasulatan para magkaroon ng karagdagang mga ideya.

Simbolismo ng Paskuwa

Talata

Simbolo

Mga Posibleng Kahulugan

Mga Suportang Banal na Kasulatan*

Talata

3

Simbolo

Bawat bahay ay nag-alay ng isang kordero

Mga Posibleng Kahulugan

Ang nakatutubos na kapangyarihan ni Jesucristo ay para sa lahat.

Mga Suportang Banal na Kasulatan*

2 Nephi 26:25–28, 33

Talata

5

Simbolo

Lalaking kordero na walang kapintasan

Mga Posibleng Kahulugan

Mga Suportang Banal na Kasulatan*

Juan 1:29; Mga Hebreo 5:8–9

Talata

7

Simbolo

Ang dugo ay ipapahid sa mga haligi ng pinto ng bawat bahay

Mga Posibleng Kahulugan

Mga Suportang Banal na Kasulatan*

Mosias 4:2; Alma 5:21

Talata

8

Simbolo

Tinapay na walang pampaalsa (tinapay na ginawa nang walang pampaalsa, na nagdudulot ng pagkasira at amag sa tinapay)

Mga Posibleng Kahulugan

Mga Suportang Banal na Kasulatan*

Juan 6:35, 48, 57–58; 1 Corinto 5:7–8

Talata

8

Simbolo

Mapapait na Gulay

Mga Posibleng Kahulugan

Mga Suportang Banal na Kasulatan*

Alma 41:11; Doktrina at mga Tipan 19:18

Talata

11

Simbolo

May bigkis ang baywang, suot ang mga sandalyas sa mga paa, hawak ang tungkod, at madaliin ang pagkain

Mga Posibleng Kahulugan

Mga Suportang Banal na Kasulatan*

Alma 34:32–33

  • Paalala: Ang mga suportang scripture passage ay nilayong magbigay ng karagdagang kaalaman tungkol sa mga simbolo na ginamit sa Paskuwa at hindi nilayong magbigay ng tiyak na mga interpretasyon ng mga ito.

Ang sumusunod na mga tuntunin ay makatutulong sa iyo na mas maunawaan kung paano bibigyang-kahulugan ang mga simbolo sa banal na kasulatan:

  • Sikaping maunawaan ang simbolo sa konteksto ng scripture passage.

  • Gamitin ang mga tulong sa pag-aaral, tulad ng mga footnote, at Gabay sa mga Banal na Kasulatan.

  • Alamin kung nagkomento ang mga sinaunang propeta noon o ngayon sa mga scripture verse at sa mga simbolo nito.

  • Magbulay-bulay, magnilay, at manalangin tungkol sa scripture passage at sa mga simbolo nito.

Bahagi 3

Anong iba pang mga simbolo sa Lumang Tipan ang makapagtuturo sa akin tungkol sa nakatutubos na kapangyarihan ng Tagapagligtas?

Itinuro ni Elder Bruce R. McConkie ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Larawan
Elder Bruce R. McConkie

Bawat banal na ordenansa o pagsasagawa na inorden ng Diyos, bawat pag-aalay, simbolismo, at kahalintulad … [ay] itinatag … upang magpatotoo tungkol kay [Jesucristo]. …

Makabubuti at tama na hanapin ang mga pagkakahalintulad kay Cristo saanman at gamitin ang mga ito nang paulit-ulit upang maisaisip siya at ang kanyang mga batas sa tuwina. (The Promised Messiah: The First Coming of Christ [1978], 28, 453)

Larawan
tao na nag-aaral ng mga banal na kasulatan
Larawan
icon, pag-aralan

Mag-aral upang Makapaghanda para sa Klase

Ang Lumang Tipan ay puno ng maraming magagandang simbolo na nagpapatotoo sa nakatutubos na kapangyarihan ng Tagapagligtas. Upang mapalalim ang iyong pang-unawa, basahin ang isa sa mga scripture passage sa ibaba at pagkatapos ay pagnilayan ang kasunod na mga tanong sa pag-aaral.

Mga Tanong sa Pag-aaral

  • Ano ang mga posibleng simbolo ni Jesucristo (sa madaling salita, anong bagay, kaganapan, kalagayan, o mga tao ang nagtuturo o kumakatawan sa Kanya) sa scripture passage na ito?

  • Ano ang maaaring isinasagisag at itinuturo sa atin ng mga simbolong ito tungkol sa banal na misyon ni Jesucristo?

  • Paano mapapalakas ng pag-unawa sa mga simbolong ito ang aking pananampalataya kay Jesucristo at sa Kanyang kapangyarihan na iligtas ako?