Institute
Lesson 26 Materyal ng Titser: Pagiging Higit na Katulad ni Jesucristo


“Lesson 26 Materyal ng Titser: Pagiging Higit na Katulad ni Jesucristo,” Materyal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang Kanyang Walang Hanggang Ebanghelyo (2023)

“Lesson 26 Materyal ng Titser,” Materyal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang Kanyang Walang Hanggang Ebanghelyo

Lesson 26 Materyal ng Titser

Pagiging Higit na Katulad ni Jesucristo

Iniuutos sa atin ni Jesucristo, bilang Kanyang mga disipulo, na maging katulad Niya (tingnan sa 3 Nephi 27:27). Sa lesson na ito, pag-iisipan ng mga estudyante kung paano sila magiging higit na katulad ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga katangiang tulad ng kay Cristo. Magkakaroon din sila ng pagkakataong pumili ng isang partikular na katangiang tulad ng kay Cristo at magpasiya kung ano ang magagawa nila para mas lubos itong mapagbuti. 

Mga Mungkahi sa Pagtuturo

Iniutos ni Jesucristo sa Kanyang mga disipulo na maging katulad Niya.

Para masimulan ang klase, ipakita o ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang pahayag ni Pangulong Dallin H. Oaks sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda. Pagkatapos ay itanong:

  • Ano ang kaibhan ng pag-alam ng isang bagay paggawa ng isang bagay, at pagiging isang taong kapuri-puri?

Ibuod ang konteksto ng 3 Nephi 27, at pagkatapos ay magkakasamang basahin ang 3 Nephi 27:27 . O maaari ninyong panoorin ang kaugnay na clip mula sa Mga Video ng Aklat ni Mormon (SimbahanniJesucristo.org). Maaari mong ipakita ang sumusunod na katotohanan: Iniutos ni Jesucristo sa Kanyang mga disipulo na maging katulad Niya.

Maaari kang magdispley ng ilang larawan na nagpapakita ng mga katangian ni Cristo. Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na pumili ng isa o dalawa sa mga sumusunod na scripture passage na babasahin, na inaalam ang mga katangiang tulad ng kay Cristo:

  • Ano ang ilan sa mga katangian ni Jesucristo na gusto pa ninyong pagbutihin pa? (Maaari mong ilista sa pisara ang mga katangiang natukoy ng mga estudyante.)

  • Paano kayo napagpala o paano napagpala ang isang taong kilala ninyo dahil sa pagsisikap na maging higit na katulad ng Tagapagligtas? (Maaari ninyong rebyuhin ang pahayag ni Pangulong Ezra Taft Benson sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda.)

Maaari mong ibahagi ang sumusunod na sitwasyon:

Nang tinitingnan niya ang listahan ng mga katangiang tulad ng kay Cristo, nag-alala si Eliza. Inisip niya kung paano niya mailalakip ang lahat ng katangiang iyon sa kanyang buhay. Tila imposible.

  • Nadama na ba ninyo ang nadama ni Eliza? Ano ang maipapayo ninyo sa kanya?

  • Anong iba pang mga hamon ang maaari nating maranasan kapag sinisikap nating magkaroon ng mga katangiang tulad ng kay Cristo?

  • Anong mga alituntunin ng ebanghelyo ang makatutulong sa atin na makadama ng higit na pag-asa kapag nagsisikap tayong magkaroon ng mga katangiang tulad ng kay Cristo? (Kung kinakailangan, maaaring isaalang-alang ng mga estudyante ang pahayag ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf sa bahagi 2 ng materyal sa paghahanda o ang mga banal na kasulatan na tulad ng mga sumusunod: Mosias 4:27; Eter 12:27; o Doktrina at mga Tipan 78:17–18; 93:13.)

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo at Pag-aaral

Gumamit ng mga kuwento. Ang mga kuwento ay maaaring lumikha ng interes, magpalalim ng pang-unawa, at maglarawan kung paano ipamumuhay [ang mga alituntunin]. Kasama ng mga kuwento sa mga banal na kasulatan, ang mga kuwentong nagpapalakas ng pananampalataya mula sa mga lider ng Simbahan ay maaaring magpakita kung paano ipamumuhay ang mga alituntunin sa makabagong konteksto. Ang mga titser at estudyante ay maaari ding magbahagi ng mga nagbibigay-inspirasyong kuwento mula sa kanilang buhay.

Para mailarawan ang konsepto ng pagiging katulad ng Panginoon nang paunti-unti, maaari kang magdispley ng larawan ng Bundok Fuji at basahin ang sumusunod na karanasan nina Elder Scott D. at Sister Whiting. (O maaari ninyong panoorin o pakinggan ang pagbabahagi ni Elder Whiting ng karanasang ito sa pangkalahatang kumperensya [mula sa time code na 2:35 hanggang 3:09].)

Larawan
Mount Fuji
Larawan
Elder Scott D. Whiting

Ilang taon na ang nakalipas, kaming mag-asawa ay nasa bungad ng landas paakyat ng pinakamataas na bundok sa Japan, ang Mount Fuji. Nang nagsimula kaming umakyat tiningala namin ang malayong tuktok at inisip kung mararating ba namin iyon.

Habang umaakyat, naramdaman namin ang pagod, sakit ng kalamnan, at mga epekto ng pagtaas ng altitude. Sa isipan, naging mahalaga na magtuon lang kami sa susunod na hakbang. Sinabi naming, “Maaaring hindi ko marating ang tuktok, pero kaya kong gawin ang susunod na hakbang na ito ngayon.” Sa paglipas ng oras, ang mahirap na gawain ay nakayang gawin—sa paisa-isang hakbang. (Scott D. Whiting, “Pagiging Katulad Niya,” Liahona, Nob. 2020, 12)

  • Paano nauugnay ang karanasan ng mga Whiting sa pagiging higit na katulad ni Jesucristo?

Matapos ibahagi ng mga estudyante ang kanilang mga iniisip, ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Whiting:

Larawan
Elder Scott D. Whiting

Ang pagiging katulad ni Jesucristo ay nangangailangan ng pagbabago sa ating puso at isipan, ng ating mismong pagkatao, at ang paggawa nito ay posible lamang sa nagliligtas na biyaya ni Jesucristo. …

Para makakita ng tunay na pag-unlad, kailangan mo ng patuloy na pagsisikap. Tulad ng pag-akyat sa bundok na kailangan ng paghahanda, at gayundin ng katatagan at sigasig habang umaakyat, kailangan din ang pagsisikap at sakripisyo sa paglalakbay na ito. Ang tunay na Kristianismo, kung saan sinisikap nating maging higit na katulad ng ating Panginoon, ay palaging nangangailangan ng ating pinakamainam na pagsisikap. (Scott D. Whiting, “Pagiging Katulad Niya,” Liahona, Nob. 2020, 13, 14)

Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang aktibidad na “Isulat ang Iyong mga Naisip” sa bahagi 3 ng materyal sa paghahanda. Pagkatapos ay piliin kung alin sa mga sumusunod na aktibidad ang pinakamainam na makatutugon sa mga pangangailangan ng iyong mga estudyante:

  1. Sabihin sa mga estudyante na mag-ukol ng oras sa pagkumpleto ng “Aktibiti Patungkol sa Katangian” na matatagpuan sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo o pagnilayan ang natutuhan nila o maaaring matutuhan nila mula sa karanasang ito.

  2. Bigyan ng oras ang mga estudyante na pumili at magbasa (o magsimulang magbasa) ng isa sa mga mensahe sa bahaging “Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?” ng materyal sa paghahanda. Maaari din silang makahanap ng sarili nilang resources na pag-aaralan sa pamamagitan ng paghahanap ng katangiang tulad ng kay Cristo sa Gospel Library.

  3. Sabihin sa ilang estudyante na magbahagi mula sa mga banal na kasulatan kung paano ipinakita ng Tagapagligtas ang katangiang pinili nila na pagbutihin pa. (Tingnan sa hakbang 2 sa aktibidad na “Isulat ang Iyong mga Naisip” sa bahagi 3 ng materyal sa paghahanda.)

  4. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang natutuhan nila sa pakikipag-usap sa isang taong kilala nila tungkol sa pagiging higit na katulad ng Tagapagligtas. (Tingnan ang aktibidad na “Talakayin upang Makapaghanda para sa Klase” sa bahagi 1 o ang ikatlong hakbang ng aktibidad na “Isulat ang Iyong mga Naisip” sa bahagi 3 ng materyal sa paghahanda para sa mga ideya.)

Sa pagtatapos ng klase, maaari mong idispley ang mga sumusunod na tanong at sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ito at isulat ang kanilang mga impresyon:

  • Paano makaiimpluwensya sa iyong buhay at ugnayan ang pagkakaroon o pagpapaibayo ng katangiang tulad ng kay Cristo?

  • Anong maliliit at mga simpleng hakbang ang maaari mong gawin sa linggong ito para mapagbuti pa ang katangiang ito?

  • Paano ka hihingi ng tulong sa Panginoon para mataglay o mapalakas ang katangiang ito?

Maaari mong anyayahan ang ilang estudyante na magbahagi ng isang bagay na nadama, natutuhan, o isinulat nila sa talakayan ngayon. Maaari ka ring magbahagi ng iyong patotoo.

Para sa Susunod

Upang mahikayat ang mga estudyante na pag-aralan ang materyal sa paghahanda para sa susunod na klase, maaari mong ipadala ang sumusunod na mensahe o ang isang mensahe na ginawa mo: Habang pinag-aaralan mo ang lesson 27, isipin ang kaugnayan ng mga salitang pag-asa, ilaw o liwanag, at buhay.