Institute
Lesson 8 Materyal ng Titser: Pagtanggap kay Jesucristo bilang ang Ipinangakong Mesiyas


“Lesson 8 Materyal ng Titser: Pagtanggap kay Jesucristo bilang ang Ipinangakong Mesiyas,” Materyal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang Kanyang Walang Hanggang Ebanghelyo (2023)

“Lesson 8 Materyal ng Titser,” Materyal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang Kanyang Walang Hanggang Ebanghelyo

Lesson 8 Materyal ng Titser

Pagtanggap kay Jesucristo bilang ang Ipinangakong Mesiyas

Si Jesucristo ang Mesiyas (o “Ang Pinahiran”) ng Bagong Tipan. Siya ang pinili ng Ama sa Langit na maging Tagapagligtas natin. Sa lesson na ito, magkakaroon ang mga estudyante ng pagkakataong talakayin kung paano mababago ang kanilang buhay ng pagtanggap sa misyon ni Jesucristo bilang Mesiyas. Ang mga estudyante ay hihikayatin na pag-isipan kung paano sila matutulungan ng Mesiyas sa mga pasakit o paghihirap na nararanasan nila.

Mga Mungkahi sa Pagtuturo

Ipinahayag ni Jesucristo na Siya ang Mesiyas.

Maaari mong simulan ang klase sa pagpapakita ng sumusunod na pahayag ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Larawan
Elder Neil L. Andersen

Walang hindi nagkasakit at nalungkot. … Ang mga sugat ng kaluluwa ay hindi natatangi sa mayaman o mahirap, sa isang kultura, isang bansa, o isang henerasyon. Dumarating ito sa lahat at bahagi ito ng pagkatutong natatanggap natin mula sa karanasan sa buhay na ito. (Neil L. Andersen, “Sugatan,” Liahona, Nob. 2018, 84)

Maaari mong isulat sa pisara ang sumusunod na parirala: Mga sugat ng kaluluwa.

Sabihin sa mga estudyante na magbahagi ng iba’t ibang paraan na nakararanas tayo ng mga sugat sa kaluluwa, at isulat sa pisara ang mga sagot ng mga estudyante. Upang mas maiugnay ang aktibidad na ito sa mga estudyante, maaari mo silang anyayahang tahimik na tukuyin ang mga sugat ng kanilang kaluluwa o ng taong mahal nila. Hikayatin ang mga estudyante na pag-isipan nang sarilinan sa buong oras ng klase kung paano makatutulong ang Panginoon sa mga sugat na ito.

Sabihin sa mga estudyante na ibigay ang kahulugan o ipaliwanag ang titulong Mesiyas at kung bakit mahalaga ang pinakahihintay na Mesiyas sa mga pinagtipanang tao ng Diyos sa panahon ng Lumang Tipan at ng Bagong Tipan.

Ipaliwanag na ang Isaias 61:1–3 ay isang propesiya kung paano makatutulong ang Mesiyas sa pagpapagaling ng mga sugatang kaluluwa. Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang mga talatang ito at hanapin ang mga salita at parirala na maaaring magbigay ng pag-asa sa mga nagdurusa.

Habang nag-aaral ang mga estudyante, maaari mong isulat sa pisara ang sumusunod na parirala: Paano tinutulungan ng Mesiyas ang sugatang kaluluwa. Pagkatapos ay maaari mong ipabahagi sa mga estudyante ang mga salita o parirala na nakita nila na pinakamahalaga at isulat ang mga ito sa pisara. Upang matulungan ang mga estudyante na makapag-isip nang malalim, maaari mong itanong ang ilan sa mga sumusunod:

  • Paano tinugon ng salita o pariralang ito ang mga sugat ng kaluluwa?

  • Bakit mahalaga sa inyo ang salita o pariralang ito?

  • Ano ang itinuturo sa atin ng salita o pariralang ito tungkol sa Mesiyas at sa Kanyang misyon?

Matapos bigyan ng oras ang makabuluhang talakayan, maaari mong idispley ang kalakip na larawan ni Jesus sa sinagoga sa Nazaret. Rebyuhin nang maikli ang konteksto, at pagkatapos ay sabihin sa isang estudyante na ibahagi kung paano ginamit ni Jesucristo ang Isaias 61:1–2 upang ipahayag na Siya ang ipinangakong Mesiyas. (Kung kinakailangan, iparebyu sa mga estudyante ang Lucas 4:18–22.)

Larawan
Jesus in the Synagogue at Nazareth [Si Jesus sa Sinagoga sa Nazaret], ni Greg K. Olsen

Maaari mong idispley ang sumusunod na katotohanan: Si Jesus ang Mesiyas na isinugo upang pagalingin ang mga bagbag na puso, palayain ang mga bihag, at aliwin ang mga tumatangis.

  • Paano matutulungan ng Tagapagligtas ang mga taong bagbag ang puso o sugatan ang damdamin? (Maaari mong basahin ang pahayag ni Elder Gerrit W. Gong sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda.)

  • Paano kayo, o ang isang kakilala ninyo, natulungan o pinanatag ng Tagapagligtas?

Pinatotohanan nina Isaias at Alma ang kapangyarihan ng Mesiyas na tulungan tayo.

Maaari mong idispley ang kalakip na mga larawan ng Tagapagligtas at sabihin sa mga estudyante na maikling ibahagi ang iba’t ibang pagdurusa na dinanas Niya sa mortalidad.

Larawan
paglilitis kay Jesus
Larawan
si Jesus na nananalangin sa Getsemani
Larawan
The Crucifixion [Ang Pagpapako sa Krus], ni Harry Anderson

Maaari mong pagpartner-partnerin ang estudyante para sa aktibidad. Maaaring pag-aralan ng isang tao ang Isaias 53:3–6, 8, 11–12 at ang isa naman ay ang Alma 7:11–12. Sabihin sa mga estudyante na alamin ang dalawang bagay: (1) paano magdurusa ang Mesiyas, at (2) paano Niya tayo mapagpapala dahil sa Kanyang pagdurusa. Matapos talakayin ng mga estudyante sa kanilang kapartner ang nalaman nila, sabihin sa ilang estudyante na ibahagi sa klase ang natutuhan nila.

Sa pagbabahagi ng mga estudyante, makatutulong na ibuod ang kanilang natutuhan sa isang pahayag na tulad ng sumusunod: Dahil pinasan ng Mesiyas ang ating mga kapighatian, kalungkutan, at mga kasalanan, tayo ay Kanyang mapapagaling, mabibigyan ng kapayapaan, mapapasan ang ating mga kasamaan, mapapatawad, mapapanatag, at matutulungan. Sundan ito ng ganitong tanong:

  • Anong uri ng mga pasakit at paghihirap sa buhay ang matutulungan tayo ng Tagapagligtas? (Maaaring mahalagang rebyuhin ang kahulugan ng salitang tutulungan at pagkatapos ay basahin nang malakas ang mga pahayag nina Pangulong Jean B. Bingham at Pangulong Dallin H. Oaks sa bahagi 2 ng materyal sa paghahanda.)

Maaari kang maglaan ng oras na tulungan ang mga estudyante na makatukoy ng mga halimbawa sa tunay na buhay kung paano tayo tinutulungan ng Tagapagligtas. Ang mga halimbawang ito ay maaaring mula sa mga banal na kasulatan, mga lider ng Simbahan, o sa buhay ng iyong mga estudyante. Maaari ka ring magbahagi ng sarili mong karanasan.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo at Pag-aaral

Bigyan ang mga estudyante ng oras para sa tahimik na pagninilay-nilay. May mga sandali na maaaring hadlang ang mga salita sa espirituwal na pagkatuto. Ang katahimikan ay maaaring maging sagradong kaloob na nagtutulot sa mga estudyante na pag-isipan nang mas malalim ang natututuhan nila at marinig nang mas malinaw ang magiliw na mga bulong ng Espiritu Santo.

Maaaring isiping muli ng mga estudyante ang “mga sugat” na nararanasan nila, o ng isang taong mahal nila. Idispley ang mga sumusunod na tanong, at sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang bawat isa. Bigyan ng oras ang mga estudyante na maisulat ang kanilang mga iniisip at impresyon.

  • Paano nakakaapekto sa pananaw mo sa sarili mong mga pasakit at paghihirap ang kaalamang nauunawaan ng Tagapagligtas ang lahat ng pinagdaraanan mo?

  • Ano ang naiisip o nadarama mo para kay Jesucristo habang pinagninilayan mo ang pinagdusahan Niya upang matulungan ka? Ano ang gagawin mo dahil dito?

  • Paano mapagpapala ng kaalamang ito ang isang taong kilala mo na nahihirapan? Paano mo ito maibabahagi sa kanya?

Kung may oras pa, maaari mong bigyan ang bawat estudyante ng isang sticky note o maliit na piraso ng papel. Sabihin sa kanila na isulat ang kanilang sagot sa sumusunod na tanong:

  • Mag-isip ng isang taong kilala mo na nahihirapan dahil sa kanyang problema. Anong mensahe ang maibabahagi mo sa kanya tungkol sa kakakayahan ni Jesucristo na palakasin at pagalingin tayo?

Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na ilagay ang kanilang mga papel sa paligid ng silid. Bigyan ang mga estudyante ng ilang minuto na maglakad-lakad sa paligid ng silid at basahin ang mga sagot sa mga papel.

Para sa Susunod

Upang mahikayat ang mga estudyante na basahin ang materyal sa paghahanda para sa lesson 9, maaari mong ipadala sa kanila ang sumusunod na larawan at mensahe bago ang susunod na klase: Mag-ukol ng oras na pag-aralan ang materyal sa paghahanda para sa lesson 9 at pagnilayan kung bakit dapat ipagdiwang ang pagsilang ni Jesucristo hindi lamang sa araw ng Pasko kundi sa buong taon.

Larawan
Si Maria, si Jose at ang sanggol na si Jesus