Mga Tulong sa Pag-aaral
Mapa 9: Ang Daigdig ng Lumang Tipan


Mapa 9

Ang Daigdig ng Lumang Tipan

Larawan
Biblia Mapa 9

H

Caucasus

Dagat ng Caspea

Bundok ng Ararat?

Dagat na Itim

Urartu

Horeo

Troy

Hetheo

Ur?

Haran (Padan-aram)

Asiria

Carchemis

Mesopotamia

Ninive

Ilog Eufrates

Assur

Accad (Akkad)

Kapatagan ng Dura

Susan (Susa)

Ilog Tigris

Babilonia

Rodas

Cittim (Chipre)

Babel (Sinar)

Siria

Caphtor (Creta)

Elam

Sidon

Phoenicia

Damasco

Babilonia

Tiro

Disyerto ng Arabia

Ur?

Dagat ng Cinnereth (Dagat ng Galilea)

Megiddo

Malaki o Itaas na Dagat (Dagat ng Mediterania)

Jerusalem (Salem)

Ibabang Dagat (Golpo ng Persia)

Canaan

Dagat na Alat (Patay na Dagat)

Beer-sheba

Nilo Delta

Gosen

Madian

Disyerto ng Libia

On

Esion-geber

Egipto

Nilo

Bundok ng Sinai? (Horeb)

Dagat na Pula

Mga Kilometro

0 100 200 300 400

A B C D E F G H

1 2 3 4

●1

●2

●3

●4

●5

●6

●7

●8

●9

●10

●11

●12

●13

●14

●15

●16

●17

  1. Bundok ng Ararat Ang kinaugaliang pook kung saan lumapag ang arko ni Noe (Gen. 8:4). Ang mismong lugar ay hindi alam.

  2. Ur Unang tirahan ni Abraham, kung saan muntik na siyang ialay bilang hain, nakita ang anghel ni Jehova, at tinanggap ang Urim at Tummim (Gen. 11:28–12:1; Abr. 1; 3:1). (Mapapansin din ang isang pook na maaaring kinaroroonan ng Ur sa hilagang Mesopotamia.)

  3. Babilonia, Babel (Sinar) Unang tinuluyan ni Cush na anak ni Ham, at gayon din ni Nimrod. Dakong orihinal na pinagmulan ng mga Jaredita noong panahon ng Tore ng Babel sa mga kapatagan ng Sinar. Di naglaon ay naging kabiserang lalawigan ng Babilonia at tirahan ng mga hari ng Babilonia, kabilang na si Nabucodonosor na bumihag at nagdala sa mga Judio sa lunsod na ito kasunod ng pagkawasak ng Jerusalem (587 B.C.). Ang mga Judio ay nanatiling mga bihag sa Babilonia sa loob ng 70 taon hanggang sa dumating ang kapanahunan n1 Haring Ciro, na siyang nagpahintulot sa mga Judio na magsibalik sa Jerusalem at itayong muli ang templo. Dito rin nanirahan ang propetang si Daniel sa ilalim nina Nabucodonosor, Belsasar, at Dario I (Gen. 10:10; 11:1–9; 2 Hari 24–25; Jer. 27:1–29:10; Ez. 1:1; Dan. 1–12; Omni 1:22; Eter 1:33–43).

  4. Susan (Susa) Kabiserang lunsod ng Imperyo ng Persia sa ilalim ng paghahari nina Dario I (Ang Dakilang Dario), Xerxes (Assuero), at Artaxerxes. Tirahan ni Reyna Esther, na ang tatag ng loob at pananampalataya ang nagligtas sa mga Judio. Di naglaon sina Daniel at Nehemias ay naglingkod dito (Neh. 1:1; 2:1; Est. 1:1; Dan. 8:2).

  5. Kapatagan ng Dura Sina Sadrach, Mesach, at Abed-nego ay itinapon sa nagniningas na hurno nang tumanggi silang sumamba sa isang ginintuang larawan na ipinagawa ni Nabucodonosor; iniligtas sila ng Anak ng Diyos, at sila ay nagsilabas sa hurno nang hindi nasaktan (Dan. 3).

  6. Asiria Assur ang unang kabisera ng Asiria, na sinundan ng Ninive. Sinakop ng mga pinuno ng Asiria na sina Salamanasar V at Sargon II ang Hilagang Kaharian ng Israel at dinalang bihag ang 10 lipi noong 721 B.C. (2 Hari 14–15, 17–19). Naging banta ang Asiria sa Juda hanggang sa sumapit ang 612 B.C. nang masakop ng Babilonia ang Asiria.

  7. Ninive Ang kabisera ng Asiria. Sinalakay ng Asiria ang lupain ng Juda noong panahon ng paghahari ni Ezechias at ministeryo ni propetang Isaias. Ang Jerusalem, na kabiserang lunsod ng Juda, ay mahimalang naligtas nang patayin ng isang anghel ang 185,000 kawal ng Asiria (2 Hari 19:32–37). Sinabi ng Panginoon kay propetang Jonas na tawagin ang lunsod na ito na magsisi (Jonas 1:2; 3:1–4).

  8. Haran Dito namuhay si Abraham nang ilang panahon bago nagtungo sa Canaan. Ang ama at kapatid ni Abraham ay nanatili rito. Sa pook na ito nagmula si Rebeca (asawa ni Isaac), at sina Raquel, Lea, Bilha, at Zilpa (mga asawa ni Jacob) (Gen. 11:31–32; 24:10; 29:4–6; Abr. 2:4–5).

  9. Carchemis Si Faraon Nechao ay tinalo rito ni Nabucodonosor, na nagbigay-wakas sa kapangyarihan ng mga taga-Egipto sa Canaan (2 Cron. 35:20–36:6).

  10. Sidon Ang lunsod na ito ay itinayo ni Sidon, na apo ni Ham, at ito ang pinaka-hilagang lunsod ng mga Cananeo (Gen. 10:15–20). Ito ang bayan ni Jezabel, na siyang nagpakilala sa pagsamba kay Baal sa Israel (1 Hari 16:30–33).

  11. Tiro Ito ay mahalagang lugar ng kalakalan at daungang-dagat sa Siria. Si Hiram ng Tiro ay nagpadala ng sedro at ginto at mga manggagawa upang tulungan si Solomon sa pagtatayo ng kanyang templo (1 Hari 5:1–10, 18; 9:11).

  12. Damasco Sa malapit dito iniligtas ni Abraham si Lot. Ito ang pangunahing lunsod ng Siria. Noong panahon ng paghahari n1 Haring David, nasakop ng mga Israelita ang lunsod. Pinahiran ng langis ni Elijah si Hazael upang maging hari sa Damasco (Gen. 14:14–15; 2 Sam. 8:5–6; 1 Hari 19:15).

  13. Canaan Ipinagkaloob ang lupaing ito kay Abraham at sa kanyang mga anak bilang walang hanggang pag-aari (Gen. 17:8).

  14. Bundok ng Sinai (Horeb) Kinausap ng Panginoon si Moises mula sa nagniningas na mababang punong kahoy (Ex. 3:1–2). Ibinigay kay Moises ang Batas at ang Sampung Utos (Ex. 19–20). Kinausap ng Panginoon si Elijah sa isang marahan at banayad na tinig (1 Hari 19:8–12).

  15. Esion-geber S1 Haring Solomon ay nagtayo ng “mga sasakyang-dagat” sa Esion-geber (1 Hari 9:26). Marahil sa daungang ito lumunsad ang reyna ng Sheba, nang marinig ang katanyagan ni Solomon, upang siya ay makita niya (1 Hari 10:1–13).

  16. Egipto Naglakbay patungo rito si Abraham dahil sa matinding taggutom sa Ur (Abr. 2:1, 21). Sinabi ng Panginoon kay Abraham na ituro sa mga taga-Egipto ang mga bagay na inihayag Niya sa kanya (Abr. 3:15). Ipinagbili si Jose ng kanyang mga kapatid bilang isang alipin (Gen. 37:28). Dito si Jose ay naging tagapamahala sa bahay ni Potiphar. Siya ay itinapon sa bilangguan. Binigyang-kahulugan niya ang panaginip ng Faraon at pinagkalooban ng mataas na katungkulan sa Egipto. Si Jose at ang kanyang mga kapatid ay muling nagkasama. Si Jacob at ang kanyang mag-anak ay lumipat dito (Gen. 39–46). Ang mga anak ni Israel ay nanirahan sa Gosen sa panahon ng kanilang pansamantalang pagtigil sa Egipto (Gen. 47:6).

    Ang mga Israelita ay nagsidami “at naging totoong makapangyarihan”; sa gayon sila’y inilagay sa pagkabihag ng mga taga-Egipto (Ex. 1:7–14). Matapos ang sunud-sunod na salot ay pinahintulutan ng Faraon ang Israel na lisanin ang Egipto (Ex. 12:31–41). Si Jeremias ay dinala sa Egipto (Jer. 43:4–7).

  17. Capthor (Creta) Ang sinaunang lupain ng mga Minoan.