Mga Tulong sa Pag-aaral
12. Halamanan ng Getsemani


12. Halamanan ng Getsemani

Ang larawang ito ng isang matandang puno ng olibo ay kuha sa kinaugaliang pook ng Halamanan ng Getsemani. Nanalangin ang Tagapagligtas sa malapit dito matapos lisanin ang silid sa itaas sa gabi ng pagkakanulo sa kanya.

Mahahalagang Pangyayari: Dito nagsimula ang pagdurusa ni Jesucristo para sa mga kasalanan ng sangkatauhan (Mat. 26:36–44; Marcos 14:32–41; D at T 19:16–19). Kasunod ng kanyang panalangin siya ay ipinagkanulo ni Judas Iscariote, at pansamantala siyang tinalikuran ng kanyang mga disipulo kasunod ng kanyang pagkakadakip sa halamanan (Marcos 14:50). (Tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Getsemani.”)

Larawan
Larawan 12

12. Halamanan ng Getsemani Maaaring ang mga napakatatandang puno ng mga olibo ay mula pa sa mga yaong nasa halamanan kung saan nanalangin ang Tagapagligtas at pinagpawisan ng butil-butil na dugo sa pagsisimula ng kanyang Pagbabayad-sala.