Mga Tulong sa Pag-aaral
18. Dotan sa Samaria


18. Dotan sa Samaria

Ang rehiyong ito ng Banal na Lupain ay kilala sa mga tagaytay at lambak. Ito ay mainam na lupang pastulan. Nang manirahan ang mga Israelita sa lupain, ang rehiyong ito ay ipinagkaloob kay Manases.

Mahahalagang Pangyayari: Sa Lambak ng Dotan, si Jose ay ipinagbili sa Egipto (Gen. 37:12–28). Iniligtas ni Abdias ang may isandaang propeta sa pamamagitan ng pagkubli sa kanila sa mga yungib nang tangkain ni Jezabel na patayin ang mga propeta ng Israel (1 Hari 18:13). Pinaligiran ng hukbo ng mga taga-Siria si Eliseo at ang kanyang alipin, na mahimalang iniligtas ng Panginoon (2 Hari 6:13–23).

Larawan
Larawan 18

18. Dotan sa Samaria Sa mayamang lambak na ito nagtungo ang mga kapatid ni Jose upang magpastol ng kawan nang ipagbili nila ang kanilang kapatid sa mga Midianita at Ismaelitang mangangalakal.