Mga Tulong sa Pag-aaral
17. Bundok ng Gerizim at Bundok ng Ebal


17. Bundok ng Gerizim at Bundok ng Ebal

Tumatanaw pakanluran. Sa gawing kaliwa ang Bundok ng Gerizim, at sa kanan, Bundok ng Ebal. Nakalarawan dito ang makabagong Nablus. Ang sinaunang lunsod ng Sichem ay nakatayo sa pagitan ng dalawang bundok na ito sa lambak sa ibaba (gawing kanan lamang ng larawan).

Mahahalagang Pangyayari: Nagkampo si Abraham sa Sichem (Gen. 12:6–7). Dito nagkampo si Jacob at bumili ng kapirasong lupa (Gen. 33:18–20). Ang Bundok ng Gerizim ay bundok ng pagpapala, samantalang ang Bundok ng Ebal ay bundok ng sumpa (Deut. 27–28). Sa Bundok ng Ebal, nagtayo ng dambana si Josue taglay ang mga kautusan ni Moises at pagkatapos ay binasa ang kautusan sa mga Israelita (Jos. 8:30–35). Ang mga buto ni Jose ay inilibing sa Sichem (Jos. 24:32).

Larawan
Larawan 1

17. Bundok ng Gerizim at Bundok ng Ebal Tinutunghayan ng dalawang bundok na ito ang sinaunang lunsod ng Sichem, kung saan nakalibing ang mga buto ni Jose (tingnan sa Jos. 24:32).