Mga Tulong sa Pag-aaral
6. Burol na Bayan ng Judea


6. Burol na Bayan ng Judea

Ang burol na bayan ng Judea ay mga 56 kilometro ang haba at 27 kilometro ang lapad. Mabato at mahirap linangin ang malaking bahagi ng lupain. Ang mga burol ay napapatlangan ng mga lambak kung saan ang lupain ay may kainaman ang pamumunga. Ang mga naunang Israelita ay nanirahan sa mga burol na ito, ginagamit ang mga ito na pananggalang laban sa mga mananalakay. Ang Jerusalem ay matatagpuan sa bayang ito.

Mahahalagang Pangyayari: Ipinangako ng Panginoon ang lupaing ito kay Abraham at sa kanyang binhi (Gen. 13:14–18; 17:8). Sina Sara at Abraham ay inilibing sa yungib ng Macpela, sa Hebron (Gen. 23:19; 25:9). Nasakop ni David ang Jerusalem mula sa mga Jebuseo (2 Sam. 5:4–9). Mas maraming pangyayari sa Lumang Tipan ang nakatalang naganap sa mga burol na ito kaysa alinmang rehiyon.

Larawan
Larawan 6

6. Burol na Bayan ng Judea Ang baku-bakong tanawing tulad nito ay bumabalot sa maraming bahagi ng Banal na Lupain sa timog at silangan ng Jerusalem.