Mga Tulong sa Pag-aaral
16. Silo


16. Silo

Sa pakanlurang tanawing ito, ang mga guho ng sinaunang lunsod ay nasa gawing kaliwa lamang ng gitna. Ang mga ito ay nasa maliit na burol na papaikot na napaliligiran ng mas matataas na burol.

Mahahalagang Pangyayari: Ang mga lipi ng Israel ay nagtipon at tinanggap ang kanilang bahagi ng teritoryo (Jos. 18–22). Ang tabernakulo at kaban ng tipan ay dito inilagay at nanatili nang ilang siglo (Jos. 18:1). Dito nanalangin at inilaan ni Ana ang kanyang anak na si Samuel sa paglilingkod sa Panginoon (1 Sam. 1). Kinuha ng mga Israelita ang kaban mula sa Silo at tinalo ng mga Filisteo, na siyang kumuha sa kaban (1 Sam. 4:1–11).

Larawan
Larawan 16

16. Silo Ang tabernakulo na naglalaman ng kaban ng tipan ay itinayo sa pook na ito at nanatili rito nang maraming siglo.