Mga Tulong sa Pag-aaral
28. Dan


28. Dan

Ang sinaunang lunsod na ito ay tinawag na Lesem (Jos. 19:47) o Lais (Huk. 18:7, 14) bago nasakop ng mga Israelita ang lupain. Ang mga bukal na matatagpuan sa pook na ito, pati na rin ang mga bukal sa Cesarea ni Filipo, ang pangunahing pinagmumulan ng Ilog Jordan.

Mahahalagang Pangyayari: Iniligtas ni Abraham si Lot (Gen. 14:13–16). Nasakop ng lipi ni Dan ang lugar at pinangalanan itong Dan (Jos. 19:47–48). Si Jeroboam ay nagpatayo ng isang gintong guya na naging dahilan ng pagbagsak ng 10 lipi sa hilaga (1 Hari 12:26–33). Dan ang pinaka-hilagang lunsod ng Israel—kaya nga tinutukoy ng mga banal na kasulatan ang lupain ng Israel na “magmula Beer-sheba hanggang Dan” (2 Cron. 30:5; Beer-sheba ang pinaka-timog na lunsod). (Tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Dan.”)

Larawan
Larawan 28

28. Dan Ang lunsod sa Lumang Tipan na dati’y matatagpuan dito ang siyang palatandaan ng kahila-hilagaang hangganan ng Israel.