Mga Tulong sa Pag-aaral
23. Dagat ng Galilea at ang Bundok ng mga Lubos na Pagpapala


23. Dagat ng Galilea at ang Bundok ng mga Lubos na Pagpapala

Tumatanaw patimog-kanluran sa hilagang-kanlurang sulok ng Dagat ng Galilea, isang lawa ng tubig tabang. Ang Tiberias ay matatagpuan sa dulong bahagi ng dalampasigan at sa dulong kaliwa ng larawan. Ang burol na nasa gitnang bahagi ang kinaugaliang pook ng Bundok ng mga Lubos na Pagpapala. Ang Capernaum ay nasa gawing kaliwa, hindi nakunan ng larawan.

Mahahalagang Pangyayari: Dito halos ginugol ng Tagapagligtas ang kanyang mortal na pagmiministeryo sa rehiyong ito. Dito siya tumawag at nag-ordena ng Labindalawang Apostol (Mat. 4:18–22; 10:1–4; Marcos 1:16–20; 2:13–14; 3:7, 13–19; Lucas 5:1–11), itinuro ang Pangangaral sa Bundok (Mat. 5–7), at nagturo sa pamamagitan ng talinghaga (Mat.13:1–52; Marcos 4:1–34). Kabilang sa mga himalang isinagawa niya ang mga sumusunod: nagpagaling ng ketongin (Mat. 8:1–4); pinayapa ang bagyo (Mat. 8:23–27); nagpalayas mula sa isang binata ng mga diyablo, na nagsisanib sa mga baboy na nagtakbuhan sa dagat (Marcos 5:1–15); ibinangon ang anak na babae ni Jairo mula sa mga patay (Mat. 9:18–19, 23–26; Marcos 5:22–24, 35–43); pinakain ang 5,000 at ang 4,000 (Mat. 14:14–21; 15:32–38); inutusan ang kanyang mga disipulo na ihagis ang kanilang mga lambat, kung paano sila ay nakahuli ng maraming isda (Lucas 5:1–6); pinagaling ang maraming tao (Mat. 15:29–31; Marcos 3:7–12); at nagpakita matapos ang kanyang Pagkabuhay na Mag-uli upang turuan ang kanyang mga disipulo (Marcos 14:27–28; 16:7; Juan 21:1–23).

Larawan
Larawan 23

23. Dagat ng Galilea at ang Bundok ng mga Lubos na Pagpapala Ang dalisdis ng burol na ito ang kinaugaliang pook ng Pangangaral sa Bundok ng Tagapagligtas (tingnan sa Mat. 5–7).