2017
Pinakain ni Jesus ang Maraming Tao
July 2017


Mga Kuwento tungkol kay Jesus

Pinakain ni Jesus ang Maraming Tao

Mula sa Mateo 14:13–21.

Larawan
Jesus Fed Many People 1
Larawan
Jesus Fed Many People 2
Larawan
Jesus Fed Many People 3

Isang araw gustong mapag-isa ni Jesus. Sumakay siya sa isang barko at naglayag papunta sa isang tahimik na lugar. Hindi nagtagal maraming tao ang sumunod sa Kanya roon.

Tinuruan ni Jesus ang mga tao at pinagaling ang mga maysakit. Sa pagtatapos ng araw, lahat ay nagsimulang makaramdam ng gutom. Nais ng mga disipulo ni Jesus na paalisin Niya ang mga tao para bumili ng pagkain sa lungsod.

Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga disipulo na pakainin ang mga tao para hindi na sila umalis. Ngunit mayroon lang limang tinapay at dalawang isda ang mga disipulo. Hindi iyon sapat para mapakain ang lahat.

Binasbasan ni Jesus ang pagkain at hinati-hati ang mga ito. Pagkatapos ay ipinasa ito ng mga disipulo sa mga tao. Sasapat kaya ang pagkain?

Libu-libong bata, babae, at lalaki ang kumain ng tinapay at isda. Pagkatapos nilang kumain, 12 basket pa ng pagkain ang natira! Isa itong himala. Nangyayari pa rin ang mga himala sa mundo ngayon!