2017
Pagpapaningning ng Inyong Liwanag
July 2017


Pagpapaningning ng Inyong Liwanag

Larawan
Shining Your Light

Gusto kong ikuwento sa inyo ang dalawang batang babaeng kilala ko na maningning na halimbawa sa pagbabahagi ng ebanghelyo. Noong halos walong taong gulang na ang anak naming si Nellie, nakatira ang aming pamilya sa Switzerland. Sabik na siyang mabinyagan. Bago sumapit ang kanyang kaarawan, nagdaos kami ng family home evening kasama ang kaibigan naming si Tina. Tinuruan na ng mga missionary si Tina. Pero hindi niya tiyak kung gusto niyang magpabinyag.

Pagkatapos ng lesson namin si Tina ang pinagdasal namin. Hindi gaanong marunong magsalita ng Ingles si Tina, kaya nagdasal siya sa Chinese. Hindi namin naunawaan ang mga sinabi niya, pero nadama namin ang Espiritu nang magdasal siya.

Kalaunan nang gabing iyon itinanong ni Nellie kung puwede silang magpabinyag ni Tina sa iisang araw. Hindi namin alam kung ano ang damdamin ni Tina tungkol sa ideyang iyon. Pero napagkasunduan naming lahat na dapat ay tawagan at tanungin man lang ni Nellie si Tina. Laking gulat namin nang pumayag si Tina!

Bininyagan sina Nellie at Tina sa katapusan ng linggong iyon. Kalaunan, nagbahagi sa amin si Tina ng isang magandang kuwento. Ipinaalala niya sa amin ang panalangin niya sa family home evening namin. Sa kanyang panalangin hiniling niya sa Ama sa Langit na ipaalam sa kanya kung dapat siyang magpabinyag. Nang tumawag si Nellie kalaunan noong gabing iyon, nalaman ni Tina na dininig ng Ama sa Langit ang kanyang panalangin.

Ang kaibigan naming si Jasmine ay isang mabuting halimbawa rin sa amin. Si Jasmine ay 12 taong gulang. Naging mabuting kaibigan namin ang pamilya niya nang tumira kami sa Middle East. Sa kanyang bayan, hindi puwedeng banggitin ng mga miyembro ng Simbahan ang ebanghelyo sa iba. Labag sa batas iyon. Ngunit nagpasiya si Jasmine na maaari siyang magbahagi ng ebanghelyo sa paggawa ng ginawa ni Jesus. Maaari siyang magpakita ng pagmamahal at kabaitan sa iba. Saanman magpunta si Jasmine o anuman ang gawin niya, sinikap niyang tularan si Jesus. Napakabuti niyang halimbawa sa iba.

Ipinapakita sa atin nina Nellie at Jasmine kung paano tayo magiging mga halimbawa ni Jesucristo. Magagawa natin ito anuman ang edad natin o saanman tayo nakatira.