2017
Kirtland at ang Word of Wisdom
July 2017


Mga Figure sa Kasaysayan ng Simbahan

Kirtland at ang Word of Wisdom

Gupitin ang mga figure o larawang ito para tulungan kang ibahagi ang mga kuwento ng kasaysayan ng Simbahan!

Larawan
Kirtland and the Word of Wisdom

Nang manirahan ang mga naunang Banal sa Kirtland, Ohio, sinabi ng Panginoon sa kanila na magtayo ng templo. (Basahin kung ano ang nangyari matapos ilaan ang templo sa D at T 110.) Sinabi rin ng Panginoon kay Joseph Smith na magsimula ng isang paaralan para maturuan ang mga pinuno ng Simbahan tungkol sa ebanghelyo. Maraming lalaki sa paaralang ito ang naninigarilyo o ngumunguya ng tabako. Ayaw nina Joseph at Emma ang mausok at maruming tabako. Nang tanungin ni Joseph ang Panginoon kung ano ang kanyang gagawin tungkol dito, tinanggap niya ang paghahayag na tinatawag natin ngayon na Word of Wisdom. Maaari ninyong basahin ito sa D at T 89.