2017
Mga Ideya para sa Family Home Evening
July 2017


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang halimbawa.

Larawan
family singing hymns

“Ang Mahiwagang Pitaka,” p. 72: Maaari ninyong simulan ang family home evening sa pagkanta ng “Piliin ang Tama” (Mga Himno, blg. 145). Maaari kayong magsadula ng inyong pamilya ng mga sitwasyon sa pagpili ng tama. Halimbawa, ano ang gagawin ninyo kung matukso kayong mandaya sa isang pagsusulit o hindi ninyo isinali ang isang tao sa isang aktibidad? Iakma ang mga sitwasyon sa sitwasyon ng inyong pamilya.

“Ano ang Family Council?” p. 74: Para makapaghanda para sa sarili ninyong family council, maaari kayong lumikha ng mga patakaran at mithiin para sa mga family council. Pag-ambagin ang lahat ng kapamilya. Maaaring ibilang sa mga patakaran at mithiin ang pagpatay sa mga electronic device, pakikinig sa isa’t isa, pag-uusap tungkol sa darating na mga kaganapan, at paggawa ng mga pangmatagalang mithiin ng pamilya. Iakma ang inyong family council sa inyong pamilya at gawin itong kasiya-siya para asamin ng mga tao ang pagkakaroon ng mga family council.