2017
Upang Sila’y Maging Isa
July 2017


Mensahe sa Visiting Teaching

Upang Sila’y Maging Isa

Mapanalanging pag-aralan ang materyal na ito at maghangad ng inspirasyong malaman kung ano ang ibabahagi. Paano ihahanda ng pagkaunawa sa layunin ng Relief Society ang mga anak na babae ng Diyos para sa mga pagpapala ng buhay na walang hanggan?

Larawan
praying in Relief Society

“Ganap na nakiisa si Jesus sa Ama sa pagpapasakop ng Kanyang sarili, laman at espiritu, sa kalooban ng Ama,” pagtuturo ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol.

“… Tiyak kong hindi tayo magiging kaisa ng Diyos at ni Cristo hangga’t hindi natin pakahangarin ang Kanilang kalooban at hangarin. Ang gayong pagpapakumbaba ay hindi matatamo sa isang araw, ngunit sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, tuturuan tayo ng Panginoon kung nais natin hanggang, sa pagdaan ng panahon, angkop na sabihing Siya ay nasa atin tulad ng ang Ama ay nasa Kanya.”1

Itinuro ni Linda K. Burton, Relief Society General President, kung paano pagsikapan ang pagkakaisang ito: “Ang paggawa at pagtupad ng ating mga tipan ay pagpapakita ng ating pangakong maging katulad ng Tagapagligtas. Ang nararapat gawin ay pagsikapang magkaroon ng saloobing higit na naipapahayag sa ilang talata ng isang paboritong himno: ‘Tutungo ako saanman [ninyo ako patunguhin]. … Bibigkasin ko ang inyong nais. … Susundin ko ang inyong utos.’”2

Ipinaalala rin sa atin ni Elder Christofferson na “habang sinisikap natin araw-araw at linggu-linggo na sundan ang yapak ni Cristo, lumalakas ang ating espiritu, ang pagtatalo ng kalooban ay nababawasan, at di na tayo ginagambala ng mga tukso.”3

Nagpapatotoo si Neill F. Marriott, Pangalawang Tagapayo sa Young Women General Presidency, tungkol sa mga pagpapala ng pagsisikap na iayon ang ating kalooban sa kalooban ng Diyos: “Nahirapan akong pawiin ang mortal na hangaring gawin ang mga bagay sa aking paraan, na natatanto kalaunan na ang aking paraan ay kulang, limitado, at mas mababa sa paraan ni Jesucristo. “Siya ang daan na naghahatid ng kaligayahan sa buhay na ito at buhay na walang hanggan sa daigdig na darating.”4 Mapakumbaba tayong magsikap na maging isa sa ating Ama sa Langit at sa Kanyang Anak na si Jesucristo.

Mga Karagdagang Banal na Kasulatan at Impormasyon

Juan 17:20–21; Mga Taga Efeso 4:13; Doktrina at mga Tipan 38:27; reliefsociety.lds.org

Larawan
Relief Society seal

Pananampalataya Pamilya Kapanatagan

Mga Tala

  1. D. Todd Christofferson, “Upang Sila ay Maging Isa sa Atin,” Liahona, Nob. 2002, 72, 73.

  2. Linda K. Burton, “Ang Kapangyarihan, Galak, at Pagmamahal sa Pagtupad ng Tipan,” Liahona, Nob. 2013, 111.

  3. D. Todd Christofferson, “Upang Sila ay Maging Isa sa Atin,” 71.

  4. Neill F. Marriott, “Pagpapasakop ng Ating Puso sa Diyos,” Liahona, Nob. 2015, 32.