2017
Bahagi para sa mga Tanong
July 2017


Bahagi para sa mga Tanong

Paano ko malalaman kung nasa hustong gulang na ako para mag-ayuno?

Larawan
question corner

Sa Linggo ng ayuno, karaniwan ay hindi tayo kumakain o umiinom sa dalawang magkasunod na kainan. Nagbibigay rin tayo ng pera na katumbas ng halaga ng pagkaing hindi natin kinain upang makatulong sa mga taong nangangailangan nito. Ang tawag dito ay “handog-ayuno.” Habang nag-aayuno tayo, maaari nating alalahanin ang ating mga pagpapala, ipagdasal ang mga tao, at mapalapit tayo sa Ama sa Langit. Maaari kang magsimulang mag-ayuno kapag nadama mo at ng mga magulang mo na handa ka na. Kung hindi mo kayang mag-ayuno dahil may problema ka sa kalusugan, maaari ka pa ring magdasal para madama mo ang Espiritu Santo habang nag-aayuno ang iba.

Alam ko na nasa hustong gulang na ako para magsimulang mag-ayuno nang madama ko na parang gusto kong gawin ito, at sinabi sa akin ng Espiritu Santo na tama ang ginagawa ko. Nang magsimula ako, ginawa ko ito nang paunti-unti. Una ay hindi ako kumain sa isang kainan. Pagkatapos ay sinubukan kong hindi kumain sa dalawang kainan.

Anne D., edad 9, Nevada, USA

Maaari kang magdasal sa Ama sa Langit para malaman mo kung kailan ka dapat magsimulang mag-ayuno. Alam kong masasagot ng Ama sa Langit ang iyong mga dalangin.

Liam P., edad 7, Utah, USA

Ayos lang mag-ayuno kapag gusto mong mapagpala ang iba at madama ang Espiritu. Magandang pagkakataon ang mag-ayuno matapos kang mabinyagan.

Eddie O., edad 9, California, USA

Alam ko na nasa hustong gulang na ako dahil nadarama ko na sinasabi sa akin ng Espiritu Santo na ito ang tamang pagkakataon para mag-ayuno. Pagkatapos ay tinatanong ko ang nanay at tatay ko kung tama ang nadarama ko.

Brooklyn R., edad 7, Auckland, New Zealand

Kapag nabinyagan na ako, palagay ko mararamdaman ko na handa na akong magsimulang mag-ayuno. Maaari akong humingi ng tulong sa Ama sa Langit sa panalangin at magtanong sa Kanya kung kailan at paano ako dapat magsimula.

Brian K., edad 7, Washington, USA