2017
Pananawagan sa mga Kapangyarihan ng Langit
Setyembre 2017


Pangako ng Propeta

Pananawagan sa mga Kapangyarihan ng Langit

“Itinuturo sa atin ng mga banal na kasulatan na ang matwid na paggamit ng priesthood ay nakasalalay sa pamumuhay natin ng mga alituntunin ng kabaitan, pag-ibig sa kapwa-tao, at pagmamahal. …

“Suriin natin ang ating buhay at magpasiyang sundin ang halimbawa ng Tagapagligtas sa pagiging mabait, mapagmahal, at may pag-ibig sa kapwa-tao. Sa paggawa natin nito, mas makakapanawagan tayo sa mga kapangyarihan ng kalangitan para sa ating sarili, para sa ating mga pamilya, at para sa mga kasama nating manlalakbay sa kung minsan ay mahirap na paglalakbay pabalik sa ating tahanan sa langit.”