2017
Si Jesus ay Mabait
Setyembre 2017


Mga Kuwento tungkol kay Jesus

Si Jesus ay Mabait

Larawan
Jesus is kind 1
Larawan
Jesus is kind 2
Larawan
Jesus is kind 3

Isang araw nagtuturo si Jesus sa mga tao. Lumapit sa Kanya ang ilang pamilya kasama ang kanilang mga sanggol at maliliit na anak. Gusto nilang basbasan ni Jesus ang kanilang mga anak.

Ayaw ng mga disipulo na abalahin ng mga bata si Jesus. Sinubukan nilang paalisin ang mga ito.

Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga disipulo na hayaang lumapit sa Kanya ang mga bata. Sinabi Niya na kailangang manampalataya ang matatanda na tulad ng maliliit na bata para makarating sa langit.

Pagkatapos ay kinarga ni Jesus ang mga bata at binasbasan sila.

Mahal ni Jesus ang mga bata. Gusto Niya akong maging mabait sa mga tao sa lahat ng dako.