2017
Ang Panguluhang Diyos
Setyembre 2017


Tampok na Doktrina

Ang Panguluhang Diyos

Larawan
salt lake temple

“Dahil nasa atin ang katotohanan tungkol sa Panguluhang Diyos at sa kaugnayan natin sa Kanila, sa layunin ng buhay, at sa katangian ng ating walang hanggang tadhana, nasa atin ang pinakamaaasahang gabay at tiyak na kaligtasan sa ating paglalakbay sa mortalidad. Alam natin kung sino ang sinasamba natin at kung bakit tayo sumasamba. Alam natin kung sino tayo at ano ang kahihinatnan natin (tingnan sa D at T 93:19). Alam natin kung sino ang kumikilos upang maging posible ang lahat ng ito, at alam natin kung ano ang dapat nating gawin upang matamasa ang mga pinakadakilang pagpapalang darating sa pamamagitan ng plano ng kaligtasan ng Diyos. Paano natin nalaman ang lahat ng ito? Nalaman natin ito mula sa mga paghahayag ng Diyos sa Kanyang mga propeta at sa bawat isa sa atin.”