2017
Salamat, O Diyos, sa Aming Propeta
Setyembre 2017


Mga Kabataan

Salamat, O Diyos, sa Aming Propeta

Larawan
youth writing in a journal

Paano nakaimpluwensya sa iyo ang ating propeta, si Pangulong Thomas S. Monson? Ano ang pinaka-maaalala mo tungkol sa kanya? Pag-isipang isulat sa iyong journal ang tungkol kay Pangulong Monson at sa kanyang buhay—tulad ng paglalarawan niya sa naaalala niyang impluwensya ng bawat propeta sa mensaheng ito.

Maaari ka ring pumili ng isang paboritong quote o sipi mula sa kanya at isulat ito at ilagay sa lugar na makikita mo nang madalas, tulad sa isang school binder o isang note sa iyong silid. Maaari mo ring kuhanan ng retrato ang quote o sipi at gawin itong background ng iyong cellphone! Sa tuwing nakikita mo ang quote o sipi, maaari mong pagnilayan ang kahalagahan ng buhay na propeta at tandaan na narito siya para mahalin at gabayan tayo ngayon.